Maja Salvador, malaking hamon ang mapuno ang MOA sa kanyang concert

ADVERTISING

Maja Salvador, malaking hamon ang mapuno ang MOA sa kanyang concert

Maja-SalvadorMALAKING CHALLENGE kay Maja Salvador ang Majasty concert niya na gaganapin sa MOA Arena on Friday, Nov. 13. Napakalaki ng venue na kailangan niyang punuin. Kung hindi kami nagkakamali, 20,000 ang audience capacity ng MOA Arena.

Buti na lang, as of presstime, parang hot cake ang benta ng tiket ng Majasty ni Maja. Well, that’s good news. Bongga.

Ayon kay Maja na kababalik lang mula sa kanyang U.S. tour, marami siyang buwis-buhay na performance sa concert. Totodo rin daw siya sa pagsayaw at pagkanta.

Special guests ni Maja sa concert sina Paulo Avelino, Kakai Bautista, Rayver Cruz, Enchong Dee, JC de Vera, Enrique Gil, at Piolo Pascual.

ADVERTISING

Anyway, hindi pa man natatapos ang concert sa MOA, nakahanda na ang Majasty World Tour 2016 ni Maja kasama sina Paulo at JC on Feb. 12 and 13, 2016. Gaganapin ito sa Cache Creek Resort and Casino (San Francisco, California).

After her concert sa MOA, makapagko-concentrate na ulit si Maja sa taping ng Ang Probinsyano series na pinagbibidahan ni Coco Martin.

“For a time kasi, dahil sa tindi ng rehearsals, hindi muna ako nakapagte-taping. Pero after nitong concert ko, do’n na ulit ako magku-concentrate,” sey pa ni Maja.

Anyway, good luck, my dear Maja, sa iyong concert on Friday.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING