Maja Salvador, madaling naka-move on dahil sa dami ng trabaho

Maja Salvador, madaling naka-move on dahil sa dami ng trabaho

Maja-SalvadorWALA MANG lovelife si Maja Salvador, pero napaka-visible naman niya nowadays dahil sa dami ng kanyang trabaho. Recently, ini-launch lang ang second album niya from Ivory Music na In Love ang title. Prior to that, nag-contract signing siya for Petit Mode. Then nu’ng Saturday, humarap na naman siya sa press para sa presscon ng pelikulang You’re Still The One ng Star Cinema at Regal Films.

Bukod pa sa kabi-kabilang promo ng album at pelikula niya ay ang thrice a week niyang taping para sa high-rating series na Bridges of Love with Jericho Rosales and Paulo Avelino. Aba, para na siyang si Curacha, ang babaeng walang pahinga, huh!

Pero ayon kay Maja, enjoy na enjoy siya kapag ganitong maraming ginagawa. “Mas okey na ito kesa naman nganga at tengga! Happy ako na napapagod sa trabaho,” sey pa niya.

At least nga naman, wala siyang hinahanap-hanap at preoccupied ng work ang schedules niya kaya siguro madali siyang naka-move-on sa nangyari sa personal life niya. Ang maganda pa, kahit wala na sila ni Gerald, buo pa rin ang respeto nila sa isa’t isa. Who knows, baka sa mga susunod na panahon ay magkabalikan din sila tulad nina Jessy Mendiola at JM de Guzman, huh!

Anyway, sobrang daring daw ni Maja sa You’re Still The One. Ayon pa sa aktres, ito na raw ang “pinaka” niya sa lahat ng pelikulang nagawa niya. Goodbye pa-tweetums na raw siya dahil pumayag siyang magkaroon ng love scene kay Dennis Trillo at Richard Yap sa movie na idinirek ni Chris Martinez at palabas na sa May 27.

La Boka
by Leo Bukas