Maja Salvador, maayos na nagpaalam sa “Ang Probinsiyano”; pagiging unprofessional, itinanggi ng taga-produksiyon

ADVERTISING

Maja Salvador, maayos na nagpaalam sa “Ang Probinsiyano”; pagiging unprofessional, itinanggi ng taga-produksiyon

Maja Salvador
Maja Salvador

Love talaga ng “FPJ’s Ang Probinsiyano” viewers ang tambalan nina Coco Martin at Maja Salvador na parehong gumaganap na pulis na tagapagtanggol ng mga naapi at mga masasamang elemento na namumuksa sa lipunan.

Gardo played by Coco ay galit sa drug pushers at drug lords, kung saan kaagapay niya si Maja Salvador sa kanyang responsibilidad na ginagampanan bilang pulis.

Yesterday,fans of Majs reacted on what we wrote tungkol sa last taping day ng aktres last Friday for reason of being a “prima donna” sa set.

Pero nilinaw sa amin ng Dreamscape Entertainment PR thru text na si EJ Salut sa tanong namin if Maja had her last taping sa “Ang Probinsiyano”. EJ replied, “Yes (re: last taping day), pero ‘yong unprofessionalism, it’s a total lie.”

ADVERTISING

A fan of Majs reacted: “Sayang naman kung mawawala siya. Paano na sila ni Cardo. Hindi na ba sila magkakatuluyan? Magsisimula pa nga lang ang love story nila.”

Sa totoo lang, nagsimula ang tsimis sa blind item na sinundan ng kuro-kuro na after the elimination with some names of actresses na napasama  ay binanggit ang pangalan ng aktres hanggang naging topic na ng tsikahan.

As of this writing ay hindi pa malinaw sa amin kung totoo ang dahilan ng pagtatapos ng karakter ni Maja sa aksyon serye.

From an insider info: “Nagpaalam na siya nang maayos sa show nila ni Coco.”

Pero hindi nilinaw ng source namin kung anong dahilan ng pamamaalam nang biglaan ni Majs.

May gagawin ba siyang ibang project na makaaabala sa kanyang trabaho kapag ipinagpatuloy niya ang AP? May “LQ” ba sila ni Coco na rumored ka-M.U. ng aktres na until now ay ayaw mag-confirm ng dalawa (paano si JM)?

I know Maja na professional sa kanyang work (from interviews we’ve done in the past) bukod sa katotohanan na magaling siyang aktres.

Sa isang portion ng kolum namin na isinuat yesterday it says: “Kung sakaling pumutok ang balita na pinatay na ang karakter ni Majs sa serye, then may basehan nga ang kwentong ito. Pero ang tunay na dahilan pala ng ending ni Majs sa aksyon serye ay nagpaalam na siya sa produksyon at kay Coco. Abangan ang dahilan ng pamamaalam ng aktres sa show.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING