Maja Salvador, kumakalat sa social media ang sexy photos

Maja Salvador, kumakalat sa social media ang sexy photos

Maja-SalvadorNAGSIMULA NANG ipalabas nu’ng Lunes (March 16) ang pinakabagong teleserye ng ABS-CBN at Star Creatives na Bridges of Love na pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Paulo Avelino, at Maja Salvador. Napanonood ito pagkatapos ng Forevermore.

Bugbog sa promo ang Bridges of Love at marami ang curious na mapanood ito. Kahit kami, inabangan namin ang pilot episode nito at na-hook na kami do’n sa mga sumunod pang episode dahil ang galing ng cast, lalo na ang batang Paulo Avelino na ginampanan ni Grae Fernandez na member ng Gimme 5 at anak ni Mark Anthony Fernandez. Nagmana si Grae sa galing ng tatay niya, huh!

Isa rin sa pinakainabangan ng televiewers, particularly ng mga kalalakihan ay ang mapanuksong pag-indayog ni Maja na gumaganap ng karakter ni Mia na isang star dancer. Kalat na kalat sa social media ang sexy pictures niya habang sumasayaw.

Bago para kay Maja ang pagsasayaw na may kasamang pang-aakit at dapat mapaniwala niya ang publiko na isa talaga siyang star dancer.

“Iba ‘yung sayaw ko sa ASAP at sa shows na ginagawa ko kumpara sa Bridges. Dito kasi, hindi lang lambot ng katawan ang dapat mong ipakita, kailangan din na ‘yung facial expression mo at mata mo ay talagang nang-aakit,” kuwento pa ng aktres.

Wala namang reklamo si Maja kahit pa inaabot ng maraming takes ang mga eksenang kailangan niyang magsayaw sa harap ng maraming tao.

“Nakapapagod, kasi hindi talaga ako sanay sa ganu’ng klaseng sayaw. Pero part ‘yon ng trabaho ko, eh, kaya wala akong dapat ireklamo,” sey pa ulit ni Maja.

Bukod nga pala kina Paulo, Jericho, at Maja, kasama rin sa series si Carmina Villarroel na gaganap bilang “matrona” na baliw sa pag-ibig ni Paulo.

La Boka
by Leo Bukas