Maja Salvador, karangalang maikumpara kay Anne Curtis

ADVERTISING

Maja Salvador, karangalang maikumpara kay Anne Curtis

Maja-SalvadorPINAGDIINAN NI Maja Salvador na isang karangalan daw sa kanya na makumpara kay Anne Curtis pagdating sa pagiging concert performer.

May upcoming solo concert din kasi si Maja sa July 12 sa Music Museum kaya naungkat kung maihahanay na rin ba niya ang sarili kay Anne bilang performer?

“May kanya-kanya po kami… pero para po ikumpara ninyo ako kay Anne, isang malaking karangalan po ‘yun. Kasi, ‘di ba nakapag-concert na siya sa Araneta? And sold-out pa, ‘di ba?

“Para sa akin, hindi ka dapat isang magaling na singer or magaling na dancer. Kanya-kanya tayo ng way ng pag-i-entertain ng tao. Saludo po ako kay Anne kung paano siya mag-concert.”

ADVERTISING

Sabi naman ni Maja sa nag-comment na mas may tono raw siyang kumanta kumpara kay Anne, “‘Yun nga ang sabi ko. Hindi naman importante kung marunong kang kumanta.”

In fairness naman daw kay Anne, sa ikalawang concert nito sa Araneta, napansin daw ni Maja na may confident at mas maayos na raw kumanta.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING