Maja Salvador, itinutulak si Gerald Anderson kay Kim Chiu

ADVERTISING

Maja Salvador, itinutulak si Gerald Anderson kay Kim Chiu

Gerald-Anderson-Maja-Salvador-Kim-ChiuWALANG MAGIGING problema kung magbalik-tambalan sina Gerald Anderson at Kim Chiu. Gusto nga ni Maja Salvador na gumawa uli sila ng movie or teleserye para pagbigyan ang mga fans ng dalawa. Ayaw ng actress na maging kontrabida sa paningin ng Kimeralds na matagal nang naghihintay na makita sila together in the big screne.

Si Maja pa nga raw ang nagsa-suggest kay Gerald na gumawa uli sila ng movie. Alam kasi ng actress/singer ang feeling ng mga fans kung makikita nila ang kanilang idolo on the big screne na magkasamang muli.

Game na game si Gerald na makatrabaho ang dating ex-girlfriend na si Kim. Maging ang dalaga, willing din na mag-team-up uli sila. Ang last film na pinagsamahan ng dalawa ay ang 24/7 under Star Cinema. Naging maganda ang working relationship nina Gerald at Kim nang gawin nila ang isang coffee commercial. Wala na ‘yung tensiyon nila sa isa’t isa. Pareho na kasing naka-recover sa kanilang past relationship kaya’t naging okay na ang lahat.

Nasabi nga ni Gerald na malaki ang ipinagbago ni Kim, mas mature ito at very positive ang attitude. Maging sa trabaho ay napaka-professional, wala raw siyang masabi. On time kung dumating sa set at ready for shoot. Napag-usapan din nila ni Kim ang kani-kanilang career. Happy si Gerald sa takbo ng showbiz career ngayon ng ex-girlfriend. Sunud-sunod ang teleserye, maraming product endorsement. “I’m very happy for her. She deserve all the blessing na dumarating sa kanya,” turan ni Gerald.

ADVERTISING

Balita nga namin, may naka-line-up na movie project ang Star Cinema para kina Kim at Gerald. Humahanap lang ng magandang material na babagay sa dalawa. Before the year end, sure na magkaka-pelikula ang dating mag-lover. I’m sure, labis na ikatutuwa ito ng fans nina Kim at Gerald.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING