Maja Salvador, inaming flop ang first major concert

ADVERTISING

Maja Salvador, inaming flop ang first major concert

Maja-SalvadorNILALAIT NGAYON sa social media si Maja Salvador dahil sa nag-flop na concert niya sa MOA Arena last Friday. Trending sa social media particular na sa Facebook ang paglabas ng mga larawan na nagpapakitang maraming bakanteng upuan sa lahat ng section at maging sa general admission.

May naawa, pero mas marami ang nanlait sa actress na nagsabi na huwag na daw mag-ilusyon na maging isang concert artist dahil hindi pa naman daw ito kasing sikat nina Sarah Geronimo at iba pang singer na may pundasyon na sa music scene. Kilala raw bilang actress si Maja, pero hindi pa raw ito masasabing big star dahil wala pa siyang solo film na talagang kumita sa takilya.

Marami ang sumasaw sa comments. May mga nagtanggol kay Maja na nagsabi na walang masama na abutin nito ang pangarap bilang concert performer.

Inamin at nagpakumbaba naman si Maja sa kanyang Instagram account sa naging sitwasyon sa audience attendance ng kanyang first major concert. Kahit na raw hindi ito napuno ay laking pasalamat pa rin niya dahil sa magandang pagkakataon na ibinigay sa kanya. Nagpasalamat siya sa lahat ng sumuporta dahil ipinaramdam daw sa kanya ng mga ito ang tunay na pagmamahal.

ADVERTISING

Say pa ni Maja, talagang pinangarap niyang mag-perform sa isang malaking venue at gawin ang mga ginawa nina JLo o Beyonce. At tanggap niya na hindi siya magiging gaya ng dalawang sikat na international singer, pero masaya siya dahil naibigay niya ang lahat ng kanyang kakayahan.

Sabi ni Maja sa kanyang Instagram post na may larawan niya sa concert,” The best of my life, dream ko talaga ang makapag-perform noon pa. Dream ko rin maging JLo o Beyonce kahit isang araw lang. Natupad lahat ‘yun. Pero ang pinaka the best ay ‘yung tinanggap ko na never akong magiging JLo o Beyonce kaya naman masaya ako nung ibinigay ko kung anong kayang ibigay ni Maja.

“Yes, ‘di ko napuno ang MOA. Pero naging isang punung-puno naman ng pagmamahal ang MOA. Bawat labas ko, ‘di kayo nagsasawang maghiyawan at magpalakpakan. Salamat sa lahat ng nanood. Salamat sa pagmamahal ninyo. Salamat sa lahat ng fans, friends, at sa aking pamilya. Masaya ako na pinagbigyan ninyo akong matupad ang aking pangarap.”

Sylvia-SanchezSylvia Sanchez, ‘di makapaniwala sa award na nakuha sa Amerika

HINDI MAKAPANIWALA si Sylvia Sanchez na isa siya sa mapalad na binigyan ng parangal ng Gawad Amerika kamakailan. Kasama niyang binigyang-parangal sina Boy Abunda at PAO Chief Atty. Persida Acosta sa America.

Dahil ‘di makapaniwala, nag-atubili si Sylvia kung pupunta sa naturang awards night sa America. Pero nang tiyakin sa kanya ng mga taong nasa likod ng Gawad Amerika, saka lang siya natauhan na totoo nga na isa siya sa bibigyan ng karangalan bilang “Most Outstanding Filipino Performer for Film and TV” para sa taong ito.

Pagmamalaki ni Sylvia sa mga kaibigang press, super happy siya sa natanggap na award. “Iba talaga kapag galing sa ibang bansa na mga kababayan pa rin natin ang nagbigay. Medyo sanay na tayo sa awards natin dito sa atin, pero iba rin siyempre ang pakiramdam kapag nasa abroad na ang magbibigay sa ‘yo ng parangal.

“Bata pa ako, sinabi ko sa nanay ko na paglaki ko, gusto komg maging magaling na actress. Nakakatuwa naman kung kailan ako tumagal sa showbiz, ngayon naman nagdadatingan ang lahat ng mga ito. Siyempre blessing ito sa akin, kaya niyakap ko siya, sobrang pasalamat ko sa Itaas.”

Sa ngayon ay abala si Sylvia sa teleseryeng Ningning sa ABS-CBN, kung saan apat na pelikula raw ang kanyang tinanggihang gawin para mabigyan ng tamang panahon ang naturang serye na halos araw-araw ang taping.

Congrats, Sylvia Sanchez ang nanay nina Arjo at Ria Atayde at maybahay ng kaibigan namin noon pa na si Art Atayde.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING