Maja Salvador, hinahangaan ang ‘di OA na acting sa serye

Maja Salvador, hinahangaan ang ‘di OA na acting sa serye

Maja-SalvadorSA UMPUKAN ng mga reporters sa isang gathering ay pinag-usapan ang seryeng Bridges of Love ng ABS-CBN. Puring-puri nila ang acting ng mga nagsisiganap sa series like Jericho Rosales, Paulo Avelino, Carmina Villaroel, and Edu Manzano. Pero ang higit na hinangaan nila ay ang pagganap ni Maja Salvador bilang Mia sa Bridges of Love.

“Pagaling nang pagaling si Maja. Walang siyang OA (over acting) moment sa Bridges. Very efffective siya sa mga under acting portrayal niya. Napakahusay!” comment ng isang veteran writer.

Kunsabagay, it runs in the blood. Maja is from the Salvador clan na kilalang mahuhusay pagdating sa pag-arte. At ‘yon siguro ang minana niya.

Tinext namin si Maja at kinuha ang reaksyon tungkol sa mga papuri sa acting niya sa Bridges of Love at ang sagot niya, “Maraming salamat po sa pagtanggap sa karakter ko bilang Mia. Nakatataba po ng puso.”

Hindi na namin tinanong ang aktres about sa isyu ng break-up nila ni Gerald Anderson, dahil alam naming hindi rin siya magbibigay ng comment tungkol dito.

La Boka
by Leo Bukas