Maja Salvador, handa nang magmahal ulit

Maja Salvador, handa nang magmahal ulit

Maja-SalvadorBUKOD SA Majasty concert ni Maja Salvador sa MOA Arena on Nov. 13, may isa pang nagpapasaya ngayon sa aktres. Ito ay ang kanyang textmate na kahit anong pilit namin sa kanya ay ayaw niyang sabihin kung sino.

“Ka-text ko pa lang siya. Ayokong maudlot. At saka, wala pa naman talaga… text pa lang,” katwiran niya sa amin.

Handa na ba ulit ang puso niya na magmahal?

“Handa na ‘yan!” sabi agad niya. “Wala lang akong time. Makikipag-text ba ako kung hindi,” pag-amin pa niya.

Iimbitahan ba niya ang textmate sa kanyang concert?

“Te-text ko siya kung puwede siya,” natatawa niyang sagot.

Samantala, guest ni Maja sa Majasty sina Piolo Pascual at Enrique Gil. Umaasa siyang mapupuno niya ang MOA Arena.

“Tulungan po ninyo akong magbenta ng tiket para maraming manood,” biro pa niya.

La Boka
by Leo Bukas