Maja Salvador, good vibes ang aura ngayong 2015

Maja Salvador, good vibes ang aura ngayong 2015

Maja-SalvadorHAPPY SI Maja Salvador. Sa mga mata pa lang niya, iba na a spark, ‘ika nga. Siyempre, in love kasi kay Gerald Anderson. Mababasa mo sa mga ngiti niya na good vibes ang aura niya sa taong 2015.

Bukod kasi na maganda ang mga nakaplano para sa kanyang showbiz career para sa taong ito, ang daming mga kaganapan noong Kapaskuhan na siyang nagpapangiti sa kanya.

Una, maganda ang resulta ng viewership ng short teleserye nila ng boyfriend na si Gerald Anderson na The Gift of Life episode para sa Give Love on Christmas. Pangalawa, ang magandang resulta ng kanyang first music CD na after less than a year ay nag-Platinum na ang sales. Bukod dito, sinimulan na rin niya ang bagong teleserye niyang Bridges with Jericho Rosales. Higit sa lahat, pagdating sa mg product endorsement ay bumalik ang dating ini-endorse niyang sanitary napkin na dati-rati’y si Erich Gonzales ang endorser.

Pero balita namin, may intriga raw ang pagkuka muli kay Maja as endorser at ang hindi pag-renew nila kay Erich.

Pero all smile ang mag-asawang Go na nagmamay-ari ng Megasoft at Sisters Sanitary Napkin na ang ganda ng kanilang sales mula nang maging endorser nila ang aktres.

Wala mang sinasabi o pinagkukumparahan, kahit may kamahalan ang talent fee ng aktres, happy ang may-ari ng kompanya na pinaghahandaan ang bonggang press launch ng product na ini-endorse ni Maja very soon.

Sa katunayan, noong nakaharap namin si Maja over dinner, katatapos lang niyang mag-pictorial kung saan kinuha nila si Eppy Quizonto to direct the pictorial.

“Malaki ang plan namin for her (Maja). Aside from our regular provincial tours ay may ilalabas kami na TVC for Maja,” pagmamalaki ni Mrs. Go.

Isa ito sa nagpapangiti sa aktres dahil waging-wagi siya sa 2015 bukod sa katotohanan na hindi niya maitago na noong nakaraang Christmas, magkasama sila ni Gerald Anderson at ang pamilya nito sa GenSan kung saan doon nag-celebrate ng Noche Buena ang aktres.

“Noong New Year naman, dito kami ni Ghe (Gerald) sa Manila,” kuwento ng dalaga sa amin.

Habang ang ibang mga artista natin ay naghahanda naman sa mga kasal nila, walang plano sina Maja at Gerald na sumabay sa kaguluhan. “Matagal pa po siguro. Wala pa sa usapan namin, ine-enjoy pa lang namin ang relationship namin. Pero if ever in the next three to four years pa siguro. Pero I’m not getting any younger kaya I need to fulfill my dreams so that kapag ok na, p’wede na kaming mapakasal,” kuwento ni Maja sa amin.

Super sexy siya ngayon. Mas slimmer kumpara sa figure niya noong press launch ng GLOC episode nila ng boyfriend. At the moment, Maja is practicing the “Blood Type Diet”, kung saan based sa internet research ni Majs, based sa blood type niya, naka-specify lang ang mga food na hindi niya dapat kainin para hindi siya tumaba.

Pagmamalaki niya sa kanyang kaseksihan, “24 inches na lang ang waistline ko.”

Basta ang gusto ni Maja, matupad lahat ang mga plans niya sa buhay. ‘Pag nakamit na niya ang mga ito, then that’s the time na puwede na nilang pag-usapan ni Gerald ang tungkol sa kasal.

Reyted K
By RK VillaCorta