Maja Salvador at Gerald Anderson, wala pa sa plano ang pagpapakasal

Maja Salvador at Gerald Anderson, wala pa sa plano ang pagpapakasal

Gerald-Anderson-Maja-SalvadorUSO ANG kasalan sa showbiz ngayon. Pero ang super in love na sina Maja Salvador at Gerald Aderson, wala pang plano na magpakasal.

Sa estado nila ngayon na halos araw-araw ay puno ng pag-iibigan ang mundo nila, p’wedeng-p’wede na.

Ang edad nila, swak na swak na. Maja is 26. Si Gerald ay 25. Pero marami pa silang plano sa buhay. Sabi ni Gerald, the right age to get married is between 30-32 years old.

Sabi nga ni Maja sa press launch ng “The Gift of Life” episode para sa Give Love on Christmas na mapapanood simula sa Lunes at 11:30 sa Kapamilya Network tungkol sa pag-ibig nila ni Gerald, “Everyday niya ipinararamdam kung gaano ako ka-special sa kanya. Hindi siya kung gaano niya ako kamahal,” kuwento ng aktres sa media.

Ang haba ng hair ng lola mo.

Reyted K
By RK VillaCorta