Maja Salvador at Gerald Anderson, ‘di nakaiwas magtambal sa serye

Maja Salvador at Gerald Anderson, ‘di nakaiwas magtambal sa serye

Maja-Salvador-Gerald-AndersonHINDI RIN nakaligtas sina Gerald Anderson at Maja Salvador na magsama sa isang TV show.

Kung noon ay inaayawan nila ang anumang project na pagsasamahan nila, hindi sila nakaiwas sa offer ng Dreamscape na magsama sa The Gift of Life, isang Pasko-serye ng Dos.

“Sa showbusiness, magkakatrabaho at magkakatrabaho din kami kahit na ano’ng gawin namin. Hindi kami makakatakas sa mundong ito,” say ni Maja.

She said that she accepted the project since “maganda ‘yung kuwento at saka Pasko naman.”

“Siyempre mapapaisip ka na ano kaya ang pakiramdam na katrabaho mo (ang BF mo). At least may bago akong nalaman sa kanya as an actor,” she said.

Bilang Melissa sa The Gift of Life, Maja meets Gerald’s character (Tristan), a young man who is in need of a kidney transplant.

May pagkakapareho ang personality ni Maja kay Melissa.

“Parehas kami na gagawin ang lahat para sa pamilya. Bago ko mabuo ang pangarap ko, kailangan kung ano muna ang pangarap ko para sa pamilya ko. At saka palaban din ang character, hindi basta-basta naggi-give-up.”

While working with Gerald ay meron siyang na-discover sa binata.

“Ang napansin ko lang ay parehas kami ng atake, hindi paulit-ulit, inaaral ‘yung eksena. Parang kung saan kami madadala kasi mas natural ‘yun, eh. Ganoon kasi ako so parang natuwa ako na nagkatrabaho kami, kasi ganoon din pala siya. Hindi sobrang pinag-isipan kung paano gagawin ‘yung atake sa eksena. Parang go with the flow, kung ano ‘yung mararamdaman mo,” she revealed.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas