Maja Salvador emosyonal na binalikan ang pag-umpisa sa ‘Eat Bulaga’

ISANG emosyonal na Maja Salvador ang humarap sa mga dabarkads sa Eat Bulaga.

October 2021 nang ipakilala bilang guest co-host ng longest running noontime show at siyam na buwan na ang nagdaan pero tuloy-tuloy pa rin ang pag-indak ng multi-talented actress/performer sa programa na patuloy na sinusuportahan ng televiewers.

Maja Salvador emosyonal na binalikan ang pag-umpisa sa 'Eat Bulaga'
Maja Salvador

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Maja na bahagi na siya ng Eat Bulaga. Noong Lunes, July 18 ay muling ipinakilala ang dalaga bilang host ng newest segment nila na ‘Bida Next‘. Ito ay matapos ang inabangang ‘Dancing Kween‘ na nagtapos noong Sabado.

“Sorry, siguro po sobrang overwhelming lang last Saturday sa segment na ibinigay sa akin ng EB [Eat Bulaga] tapos ngayon pine-present niyo naman ako na one of the dabarkads so parang nagsi-sink-in bigla na parang ‘Ay parang naiiyak ako? sorry po.'” naiiyak na kuwento ng dalaga.

Agad naman lumapit ang EB mainstays na sina Allan K at Paolo Ballesteros kay Maja na naging emosyonal sa pagbabalik-tanaw.

“Totoo po yung [sinabi ko noong] ni-launch ako [dito] from bata na nakikinood lang [sa TV ng] kapitbahay, fan ng ‘Little Miss Philippines,’ and now nandito [sa Eat Bulaga], binigyan ng segment, grabe ‘yung love and support na binibigay tapos ngayon itong segment na ‘Bida Next’ parte [ako] ng dabarkads talaga so ‘yun po parang naging [emosyonal] ako.”

Sa kanyang Instagram account ay nagbigay din ng pasasalamat si Maja sa matagumpay na run ng ‘Dancing Kween’.

“Punong puno ng saya ang puso ko, mga Dabarkads! Again, maraming Salamat @eatbulaga1979 sa pagbigay sa akin ng isang magandang segment na nagbibigay inspirasyon at pagkakataon sa lahat ng may mga pangarap.” pagmamalaki ni Maja.

Mukhang super happy si Maja sa kanyang bagong noontime family. Magtuloy-tuloy na kaya ang pagiging Kapuso ng magaling na aktres? Abangan natin!

Previous articleKarla Estrada on leaving ‘Magandang Buhay’: Mabigat na desisyon!
Next articleJulie Anne San Jose to Rayver Cruz: “Always remember that you are amazing.”