Maja Salvador, ‘di umatras sa daring scenes sa kanyang pelikula

Maja Salvador, ‘di umatras sa daring scenes sa kanyang pelikula

Maja-SalvadorMEDYO NAHIRAPAN sagutin ni Maja Salvador, if he’s (Gerald Anderson) still the one? “Bago ko masagot ‘yan, maraming pagdadaanan… hindi ko masagot,” sambit ng dalaga.

Tulad ng pelikulang You’re Still The One na pinagbibidahan nina Maja at Dennis Trillo, isang adult romance drama. Very intriguing ang istorya, mga bata pa lang sila, gusto na nila ang isa’t isa, hanggang mag-mature sila. Mahalagang papel ang gagampanan nina Richard Yap at Ellen Adarna sa buhay nina Maja at Dennis, sa direksyon ni Chris Martinez at sa panulat ni Aloy Adlawan para sa Star Cinema at Regal Films.

Dream come-true para kay Maja na makatrabaho niya si Dennis. Ngayong single na ulit siya, paano kaya kung ma-realize niya si Dennis Trillo ang ‘the one’? “Wala pa sa level namin ni Dennis na magkarelasyon. Magkaibigan pa lang kami. Sa pelikula, may mga sitwasyon na magpapa-realize kay Elise na parang bakit mo pa itataboy ang isang taong mamahalin ka nang buong-buo,” mabilis na sagot ng morenang actress.

Sa kaso ni Dennis, balitang nagkabalikan na raw sila ng ex-girlfriend niyang si Jennylyn Mercado. May pagkakataon ba na sinabihan niya si Jenny ng you’re still the one? “Kapag sinabi mong she’s still the one, dapat sigurado ka na. Ako, parang wala pa sa ganu’ng sitwasyon. Ang totoo ‘yan ‘yung nangyayari, parang binubuo pa lang namin ‘yung nasirang pagkakaibigan. Wala pa naman doon…” say ng actor. Sa character na pino-portray ni Dennis as Jojo, marami siyang natutunan. “Marami pang puwedeng magbago sa isang tao habang nagma-mature siya.”

Kasama rin sa cast ang mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco kaya naitanong sa kanila kung papaano  nila nasabi sa isa’t isa ang you’re still the one? “Nakita namin sa isa’t isa, we’re still the one,” turan ni Melai. “Kapag pinakasalan mo na siya, she’s still the one,” dugtong naman ni Jason.

Sobrang thankful si Dennis sa lahat ng blessing na dumarating sa kanya. Ano pa nga ba ang mahihiling pa niya? “Sa totoo lang, kalabisan na humiling pa dahil sobra-sobra na rin ‘yung natatanggap ko. Napakaraming blessing ang dumarating araw-araw, kaya siguro ang hihilingin ko na lang good health para magawa ko lahat ang mga trabaho.”

Inamin ni Direk Chris na daring ang mga bed scene ni Maja with Dennis at Richard, nagawa ba niya ito nang tama? How far did it go? “Nakayanan ko po, huminga lang ako nang malalim. Iniisip kong ako po talaga si Elise, lalong-lao na kay Ser Chief. Nagawa naman namin nang maganda, artistic naman ‘yung pagkakagawa. Sa love story naman ng mga tao, part naman ‘yun. Lumaban ako kay Ellen Adarna,” paliwanag ni Maja.

Sabi nga ni Direk Chris,  movie ito nina Maja at Dennis, pero hindi mabubuo ang istorya kung wala ang character nina Richard at Ellen. “Nu’ng tinawagan ako ni Mother Lily at ni Roselle, ang sabi nila sa akin, p’wede ba raw akong gumawa ng pelikula Maja at Dennis. ‘Yun palang parang napa-oo na nila ako. ‘Yung concept na magkasama silang dalawa, na-excite na ako, sold na ako kaagad. After that, binasa ko na ‘yung script. Siyempre, ang una kong tanong, gagawin ba ito ni Maja? Sure ba kayong gagawin ito ni Maja? Kasi may pagka-daring talaga. Si Maja talaga ‘yung concern ko talaga, malaki ‘yung hiningi ng role from her. ‘Yung maturity ng chracter, views about love and relationship and sex ‘yung ganu’n. This is something very mature. Of course ipakikita naming tumatanda siya, pero ‘yung pelikula at ‘yung character, may pagka-daring,” kuwento ng box-office director.

Bago gawin ni Direk Chris ang pelikula, kinakausap muna niya ang mga artista kung willing bang gawin ‘yung mga daring scene.  “Kinausap ko rin si Dennis kung hanggang saan ang kanyang limitasyon. Alam ko namang may image sila, pero okay naman. Alam ko na hanggang doon lang.”

Kilala natin si Richard Yap as Ser Chief sa Be Careful With My Heart, wholesome ang image niya nito. Pero sa pelikula, nagpaka-daring ang actor sa love scene nila ni Maja. Wala ba siya hesitation to do sexy scene? “Well, kasama naman siya sa script talaga. It was very tastefully done, so I have no hesitation doing it. Hindi naman mahirap gawin. Anything for Maja…” aniya.

Sa past relatationship ni Maja, ano ang kanyang natutunan? “In general, natutunan, kahit ano pa ‘yang pinagdaanan mo bilang isang babae, dapat alam mo sa sarili mo na worth loving ka,” makabuluhang tugon ng actress.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield