Maja Salvador, ‘di lang boyfriend ang p’wedeng magpasaya sa kanya

Maja Salvador, ‘di lang boyfriend ang p’wedeng magpasaya sa kanya

1 Maja-SalvadorHAPPY SIYA at walang trace na naaburido. Ang bilis makatawid ni Maja Salvador sa break-up nila ng boyfriend na si Gerald Anderson.

Ewan ko ba kung bakit nag-break ang dalawa nang walang kaabug-abog. Ang akala ko na pang-altar na relasyon ng dalawa ay matatapos na lang nang ganu’n-ganu’n. Sa katunayan. Hindi malinaw ang hiwalaya nina Maja at Gerald.

Nasabit pa nga ang pangalan ni Janice de Belen na sa simula ay siya ang pinagdudahan na sanhi ng hiwalayan ng dalawa. Tulad nang naisulat namin dito sa kolum namin, walang kasalanan si Janice tulad ng pahayag nina Gerald at Maja.

Kamakailan, nakita namin si Maja. Super sexy as ever. Like na like ko nga ang long soft curly hair niya na sabi ko sa kanya, may maiinggit at may manghihinayang sa nangyaring hiwalayan.

Happy ang aktres sa kanyang buhay ngayon kahit loveless. Hindi nag-emote nang husto sa split-up nila ni Gerald. Gandang Maja Salvador na kitang-kita mo ang positive aura lalo pa’t ang ganda ng aura niya ngayon. In short, no negativities na mararamdama mo sa young actress.

Sa press launch ng pelikula niyang You’re Still The One na palabas na come May 27 mula sa Star Cinema at Regal Films, kung saan super sexy ang aktres sa kanyang love scenes with Richard Yap at Dennis Trillo (naka-tatlo sila ni Dennis), I’m sure at malamang sa hindi ay may maiinggit at maghihinayang.

Sabi ng aktres, “I can be happy. Hindi lang boyfriend ang p’wedeng magpagaan ng feeling mo, or even ng ikagaganda ng buhay mo.”

Kahit hindi tinutukoy kung sino, mababasa mo na naka-move on na siya at ang dating boyfriend na si Gerald ay bahagi na lang ng kanyang nakaraan. Who knows, ma-develop si Maja sa kapartner na si Dennis na kadalasan sa hindi, ang mga leading ladies niya sa pelikula o sa kanyang teleserye ay nakare-relasyon niya.

Ngumiti lang si Maja. Pero walang makapagsasabi. Basta ang dalaga, super sexy at lalong gumagaling sa kanyang craft as an actress na sigurado ako ay pinanday ng mga karanasan niya at kabilang na rito ay ang split-up nila recently ni Gerald.

Reyted K
By RK VillaCorta