Maja Salvador: The Dance Princess

ADVERTISING

Maja Salvador: The Dance Princess

Maja-Salvador KILALA SI Maja Salvador bilang isa sa pinaka-reliable na leading ladies ng Dos. What do we mean by ‘reliable’? She can act and is willing to do whatever it takes to make her character stand out. Marami rin itong fans na sinusuportahan siya kahit sino pa ang ka-loveteam niya sa isang project.
Naging kontrobersyal si Maja last year dahil sa pag-amin nila ni Gerald Anderson sa pag-iibigang namumuo sa pagitan nila. Masayang isipin na up to now ay going strong pa rin ang relasyon nila ng binata.
Kinabog ni Maja ang primetime ng Dos sa pagganap bilang Nicole sa The Legal Wife, kung saan inaabangan ng madlang pipol ang catfight scenes nila ni Angel Locsin. Balitang inihahanda na ang kanyang next TV series at si John Lloyd Cruz ang makaka-partner niya. She also signed up a movie deal with Regal Films, kung saan ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo naman ang makakasama niya.
Maliban sa samu’t saring TV and movie projects, tuluyan na ring pinasok ni Maja ang mundo ng musika. Nagtaasan ang kilay ng haters. Can she really sing? Well, she may not have the diva-ish voice, but she can carry a tune and at the same time dance like a pro!
Unang inilabas ang “Dahan-Dahan” bilang lead single ng kanyang debut album under Ivory Records. Simple pero may dating ang music video nito. Hindi napigilan ng ilang fans na gumawa ng kanilang sariling dance choreography for the song at in-upload pa sa YouTube.
Last week ay nasilayan ng inyong lingkod ang bagong pasabog ng dalaga – ang music video ng Halika Na, kung saan ka-duet nito ang Rap Prince na si Abra. Sophisticated ang pagkagawa ng music video na halatang pinag-isipan. Maliban sa sexy and party vibe, nakaaaliw rin ang choreography nito na swak sa kanta. Ang ibang music videos kasi na gawa ngayon ay basta lang shinoot sa green screen. Halatang may input si Maja sa kanyang proyekto kaya nakatutuwa.
Oras na para mag-boom naman ang Pinoy Dance Pop Music at sa totoo lang, Maja is doing a good job! Nawa’y marami pang Pinoy artists ang makagawa ng ganitong klaseng proyekto. Halika na’t sumayaw!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

ADVERTISING