Maja Salvador, buhos na buhos kay Gerald Anderson

ADVERTISING

Maja Salvador, buhos na buhos kay Gerald Anderson

Maja Salvador, buhos na buhos kay Gerald AndersonMAPAGMAHAL TALAGA si Maja Salvador kapag nakapaloob siya sa isang pakikipagrelasyon. Ang kanyang mga kaanak talaga ang ilan sa maraming makapagpapatunay, na marunong magbigay ang magandang aktres ng Ina, Kapatid, Anak ng ABS-CBN ng buo niyang panahon sa taong kanyang karelasyon sa panahong sobra siyang in love. Ilang pakikipagrelasyon na rin naman ang dinaanan ni Maja, at kahit nauwi sa hiwalayan ay hindi rin siya makakalimutan ng kanyang mga nakarelasyon.

Si Matteo Guidicelli ang huling lalaking nakarelasyon na sobrang iniyakan ni Maja. Sa mga hikbi ni Maja nu’ng mga huling buwan ng hiwalayan nila, halatang-halata na si Matteo ang nagkulang ng panahon sa kanya. Hindi naman siguro sa baka nasakal na si Matteo sa sobrang pagmamahalan nila ni Maja, kundi baka nakasasawa rin ‘yung sobra-sobrang pagmamahal na iniuukol sa kanya ng magandang aktres, na hindi niya makayang sabayan dati.

Magaling si Maja sa time management. Kahit sobra siyang in love ay hindi niya napapabayaan ang kanyang mga trabaho. Inspirasyon para sa kanya ang taong mahal niya, katulad sa relasyon nila ngayon ni Gerald Anderson. Kaya lang, ang payo nga sa kanya ng mga kaibigan ay huwag naman dapat kay Gerald lang umikot ang kanyang mundo. Magtira rin dapat siya para sa kanyang sarili.

Mga bata pa sila ni Gerald at mahaba pa ang lalakbayin ng kanilang relasyon para masubok kung sila nga ang magkakatuluyan at hindi na siya iiyak ulit tulad ng dati kapag natapos ang pakikipagrelasyon.

ADVERTISING

Maja Salvador, buhos na buhos kay Gerald Anderson

KAHIT NAMAN nu’ng bagets at dancer pa lang si Dingdong Dantes ay umaapaw na talaga ang kanyang breeding.  Nangunguna talaga iyon sa kanyang personality. Kaya nga hindi mo siya maaasahan na magsalita ng mga patapos na baka hindi niya makayang panindigan, o kaya ay ang makipag-away sa kung sino-sinong tao sa showbiz.  Kaya nga, walang maririnig na reklamo laban sa kanya bilang artista na nakakatrabaho sa mga proyekto. Lahat ay nagugustuhan siya.

Marunong tumanaw ng utang na loob si Dingdong. Ang tagal-tagal na niya sa bakuran ng GMA-7, dahil doon na siya nagbinata. Kaya nga, mahirap para sa kanya na magsalita tungkol sa isyu ng paglipat niya sa ibang network ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng kanyang kontrata sa Kapuso network. Ilang ulit na kasing muntik malaos ang career ni Dingdong, pero ilang ulit din na sa bakuran ng Siyete ay nakabawi siya at paulit-ulit ding sumikat.

Matunog na ang usap-usapan na pagkatapos ng contract ni Dingdong sa GMA ay sa ABS-CBN na siya lilipat. Alam ni Dingdong na marami na talagang nag-aabang sa kanyang paglipat, dahil ang level ng kanyang pagiging artista ay sa bakuran lang ng Kapamilya Network dapat lumipat kung tiyak at bagong kasikatan ang inaasahan.

Balitang kapag kumpirmado na ang paglipat ng actor sa Dos ay naghihintay na ang tambalan nila ni Bea Alonzo sa Star Cinema.

Ang problema na lang, mahal din ng Siyete si Dingdong, at baka sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang kontrata ay pigilan din siyang lumipat ng ibang network.

ChorBA!

by Melchor Bautista

ADVERTISING