Maja Salvador at Matteo Guidicelli, nakitang magkasama sa isang hotel!

Maja Salvador at Matteo Guidicelli, nakitang magkasama sa isang hotel!

Maja Salvador at Matteo Guidicelli, nakitang magkasama sa isang hotel!BLIND ITEM: NAHIWAGAAN kami nang bongga sa post na blind item ng isang kaibigan sa blogsite nito (http://mrblinditem.blogspot.com/2010/10/blind-item-40-tv-host-is-bathhouse.html).

May idea na kami kung sino ito, pero para pangalanan namin ay hindi p’wede.

Baka naman mali lang ang hula namin, ‘di ba? Pero kayo na rin ang humula sa blind item na ‘to, ha?  Sana, mahulaan mo kung sino itong TV host na…

“They say that the self will find its way out, not matter how much it is suppressed.

“For wholesome, goodie-two-shoes TV Host (TVH), the honor and integrity of his family is loftier than himself. That is why in spite of his realization on his true sexuality, he never dared come out in the open – at least here in the Philippines. He chooses where he messes up and the venue is far away from the eyes of his gossiping countrymen.

“One evening in Paris, TVH decided to cruise in his favorite and exclusive bathhouse called Sun City at 62 Avenue on Sevastopol near Pompidou District. He went on his usual bathhouse activities, and being the only Asian on sight, he garnered so much attention from the dominantly European regulars.

“Or so he thought. Another Asian, a Filipino to be precise, was just lurking inside one of the dark rooms of the bathhouse. When the eyewitness finished his first round and continued cruising in the maze-like establishments, he had the shock of his life.

“He saw the respected TV host surrounded by a group of naked men. He was the center of all the actions, outperforming many porn stars that night.”

Actually, noon pa namin ito naririnig. Na everytime siya’y pupunta ng Paris, laging mag-isa.

Pero sana, hindi totoo. Pero kung totoo man, kaya pala kahit sa babae, nakikipag-away si TV host. ‘Yun pala, buma-bath house ang lola mo sa Paris.

Sana, ang pakiramdam mo, talasan mo, para mahulaan mo.

 

ME NAG-TWEET SA amin, spotted two nights ago daw sa Shangri-La Hotel sina Maja Salvador at Matteo Guidicelli.

Ang sagot lang namin sa nag-tweet: ‘Yun na.

Tapos, dyusko po, dinagsa na kami ng tweets. Ba’t daw binibigyan namin ng malisya kung nakita man ang dalawa roon.

‘Yung iba naman, ang intindi nila, eh nag-date lang ang dalawa.

Sa Twitter talaga, iba-iba ang tao. Iba-iba rin ang intindi sa bawat itinu-tweet mo. Pero sa amin, ibig sabihin no’n ay “confirmation na sila talaga.”

Hindi naman namin sinabing nag-check-in sila sa Shangri-La Hotel, kaya sila nandu’n, ‘di ba?

Eh, ‘yung explain kami nang explain? Hahahaha!

 

NAAALIW NA LANG ako sa ibang tao. Nu’ng wala pa rito si Nora Aunor, eh kung bugbugin nila sa blind item ‘yung tao, parang wala nang mukhang iuuwi rito si Ate Guy.

Nu’ng dumating naman ang Superstar, parang nakalimutan na nila ang mga blind item na pinakawalan nila tungkol sa Superstar. Kesyo si Ate Guy na ang nagbabalik at mananatiling Superstar.

Juice ko, kung alam lang ni Ate Guy kung paano siyang “bugbugin” ng ibang reporter na dumidikit sa kanya ngayon sa mga diyaryong pinagsusulatan ng mga ito.

Hay, nako… the height of kaplastikan nga naman.

 

Puwede n’yo rin kaming sundan sa Twitter (@ogiediaz) at i-like kami sa aming Facebook (The Ogie Diaz).

Oh My G!
by Ogie Diaz