Maja Salvador at Matteo Guidicelli, nagkakalabuan na?!

ADVERTISING

Maja Salvador at Matteo Guidicelli, nagkakalabuan na?!

 Maja Salvador at Matteo Guidicelli, nagkakalabuan na?!MASUWERTE PA  rin  talaga si Maja Salvador, dahil sa kanya ipinagkaloob ng katatapos na Gawad URIAN ang paghirang bilang Best Actress dahil sa epektibo niyang pagganap sa pelikulang Thelma at ikinatutuwa rin iyon ng mga malalapit niyang kaibigan. Alam kasi nilang ibinigay talagang lahat ng young actress ang kanyang buong makakaya para sa ikagaganda ng nasabing pelikula, dahil malapit sa kanyang puso ang nasabing proyekto.

ADVERTISING

Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit sa kanyang acceptance speech ay umiyak siya. Naroon sa kanyang isip, na kung sa ibang namahagi ng awards ay hindi siya tinanghal na panalo, ay heto at mayroon pa ring kumilala sa kanyang kahusayan. Lagi naman niyang pinagbubuhusan ng galing ang bawat proyektong kanyang tinatanggap, pero aminado siyang dahil markado para sa kanyang pangalan ang Thelma kaya ang dami niyang isinakripisyo nu’ng mga panahong sinu-shooting pa lang ang nasabing movie.

Dahil nakalimutan ni Maja na banggitin ang pangalan ng kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli sa kanyang acceptance speech, kaya marami ang nag-aakala na mayroon silang pinagdaraanan ngayon tungkol sa kanilang relasyon.  Kasi nga, hindi sila masyadong mai-ngay ngayon tungkol sa kanilang pagmamahalan. Kinukulit na si Maja kung sila pa rin ba ni Matteo, o ayaw pa lang magsalita. Iyan na nga raw ang susunod na isyung sasagutin ni Maja pagkatapos niyang makarekober sa sobrang saya sa pagkaka-panalo niya bilang best actress.

MAGKAIBIGAN NAMAN kasi sina Eugene Domingo at Ai-Ai delas Alas, kaya kahit kailan ay hindi sila nagkaroon ng ilangan factor sa tuwing pinagkukumpara silang dalawa. Mas naiilang si Ai-Ai nu’ng sa bakuran ng ABS-CBN ay lagi silang pinagkukumpara ni Pokwang, lalo na nu’ng panahong napakaraming raket ni Powkie sa Kapamilya Network at nagkakataon namang walang masyadong raket noon ang Comedy Concert Queen.

ADVERTISING

Matagal na kasing magkakilala sina Eugene at Ai-Ai, at mas lalo silang nagkapalagayang-loob dahil na rin sa sunud-sunod na proyektong pinagbidahan ni Ai-Ai, habang walang kaere-ere si Eugene na pumayag magmistulang alalay lang ni Ai-Ai sa mga pinagsasamahan nilang pelikula. Malaki ang respeto ni Ai-Ai kay Eugene, dahil ang tinitingnan ng bida sa pelikulang Kimmy Dora ng Star Cinema at Spring Films ay ‘yung masaya nilang pagkakaibigan at hindi ang kumpitensiya sa kanilang kasikatan, lalo pa nga’t nakapagbibida na si Uge.

Maja Salvador at Matteo Guidicelli, nagkakalabuan na?!

Walang duda na sikat na talaga at magaling na komedyana si Pokwang. Kaya lang, kulang na kulang pa siya sa mga proyektong pinagbidahan na magsasabing kaya niyang kabugin sino man kina Ai-Ai at Eugene. Matagal nang nagrereyna sa takilya si Ai-Ai. Pero ngayon ay may planong magpakasal siya sa guwapo niyang boyfriend na si Jed Alvin Salang.  Bakante rin siya sa paggawa ng pang-filmfest na pelikula, habang si Eugene ay umaarangkada. Wala sa takbo ng utak ni Uge na agawan ng korona si Ai-Ai, pero walang kaplastikan na happy siya sa tagumpay ng career ngayon ni Uge.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING