Maja Salvador at Matteo Guidicelli, break na?!

ADVERTISING

Maja Salvador at Matteo Guidicelli, break na?!

Maja Salvador at Matteo Guidicelli, break na?!HOW TRUE na break na sina Matteo Guidicelli at Maja Salvador?

May matindi raw pinag-awayan ang dalawa during the Star Magic event sa ASAP at talagang hindi nagpansinan. Na-bother nga raw ang mga kasama nilang artista dahil halatang galit na galit daw si Maja kay Matteo noong araw na iyon.

Ano naman kaya ang pinag-awayan ng dalawa? May third wheel kaya sa kanilang break-up?

Medyo nagulat kami sa tsikang ito dahil kasasabi pa lang ng isang insider sa Dos na sweet na sweet pa sina Maja at Matteo nang makita niya at walang insinuations ang dalawa na nag-aaway sila.

ADVERTISING

 

SUPER CHIKA si Regine Velasquez sa development ng baby niyang si Nate sa launching ng HOT TV. 

Sinabi niyang maaga siyang nawalan ng milk kaya hindi na siya nagbi-breastfeed sa kanyang anak.

“Tumatayo nang mag-isa. Nauntog siya, meron siyang injury kanina. Lately kasi tumatayo siya tapos biglang bumibitaw na. Ang yabang, eh, ang yabang. Nauuntog na so I guess it’s normal na they really want to walk by themselves. Madaldal pero wala namang sinasabi,” kuwento ni Regine.

This early ay mahilig na si Baby Nate sa music.

“He likes it when I sing. Kahit ano ang ginagawa niya (ay) titingin siya kapag kumakanta ako. Para kong fan. At saka ‘yung mata niya lumalaki na gano’n.”

Sabi ni Regine, ang Hot TV ay isang “showbiz news magazine show so medyo malawak ‘yung scope”.

“Hindi naman every Sunday ay meron tayong mai-scoop na intriga, controversy so siguro they thought that it would be better na lawakan ‘yung scope. Plus kapag sinabi mong tsismis it’s such a negative connotation. At least ito pinag-uusapan ‘yung buhay ng artista without it being negative. Puwede naman ‘yon, eh.”

 

BLIND ITEM: Muntik na palang dyombagin ng isang matangkad na actor ang isang pamhintang beki na nanilip sa kanya habang siya ay umiihi.

Maja Salvador at Matteo Guidicelli, break na?!

Nagma-malling ang actor kasama ang kanyang sexy actress na girlfriend nang makaramdam ng tawag ng kalikasan ang guy. Nagpaalam siya sa kanyang girlfriend na pupunta sa CR.

And since ihing-ihi na siya, tumapat na lang siya sa urinal without minding kung may katabi ba siya o hindi.

Too late na nang napansin niyang may isang baklita pala ang nagpakasawa na sa katitingin sa kanyang dakilang alaga.

Mabuti at nakapagpigil ang actor dahil kung hindi ay tiyak na ombag ang aabutin ng baklita. Ang tanging nasabi na lang nito sa kanyang kaibigan ay, “maglaway na lang siya dahil hindi niya makukuha”.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING