Maja Salvador at Gerald Anderson, may lihim na relasyon?!

ADVERTISING

Maja Salvador at Gerald Anderson, may lihim na relasyon?!

Maja Salvador at Gerald Anderson, may lihim na relasyon?!MAINIT NGAYONG pinag-uusapan ang romansang Maja Salvador at Gerald Anderson. Maugong kasi ang balita na nagkakamabutihan na ang dalawa. Palihim nga lang daw ang kanilang relasyon. Nabuko na lang nang may makakita sa kanilang magkasama sa Misimis Bay, Albay. Matagal na palang may crush ang dalaga sa ex-boyfriend ni Sarah Geronimo. Nagkataon nga lang that time, dyowa na niya si Matteo Guidicelli nang mag-split sina Gerald at Sarah dahil kay Mommy Divine.

ADVERTISING

Ibang klase talaga itong si Maja, mabilis magpalit ng boyfriend. Kapag type niya ang lalaki, go lang nang go! Kikilalanin at bibigyan ng chance bago nito sagutin. Iba rin ang karisma ni Maja pagdating sa lalaki. Sa totoo lang, bawa’t lalaking matipuhan, napapasakamay niya nang walang kahirap-hirap. Ilan na nga ba ang mga lalaking nagkaroon sa kanya ng kaugnayan ?

Pero ang pinakamatagal at totoong minahal ni Maja ay si Matteo. Hindi matanggap ng dalaga na hindi siya gusto ng pamilya ng actor. Isa ito sa mga dahilan para maghiwalay sila ng landas. At saka, bad influence daw ang actress sa kanilang anak, ayon pa sa balita.

Bilib din kami kay Maja, mabilis naka-recover at naka-move-on sa kanyang past relationship. Ngayon, panibagong hamon ang kanilang haharapin ni Gerald. Susukatin kung hanggang saan ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Aminin naman kaya nina Maja at Gerald na sila na nga ngayon? Abangan…

ADVERTISING

 

Maja Salvador at Gerald Anderson, may lihim na relasyon?!TULOY NA tuloy na ang indie film ni Governor Vilma Santos para sa Cinemalaya festival. Excited na nga ang Star for All Season sa naiiba nitong pagganap sa pelikulang Extra na ididirek ni Jeffrey Jeturian. Dakilang extra hanggang tumanda na ang papel na gagampanan ng Batangas Governor. Schedule na lang ang pinaplantsa para matuloy na ang shooting nito. Pipilitin nina Ate Vi at Direk na maihabol ito sa darating na festival.

Sobrang na-thrill si Ate Vi sa ganda ng istorya ng indie film na gagawin niya for the first time. Very challenging pa ang character na kanyang gagampanan bilang extra. Ramdam na ramdam niya kasi ang hirap ng isang dakilang extra kahit isa nang icon na maituturing si Gov. Vilma sa movie industry. Alam ng magaling na actress ang hirap at pagod na dinaranas ng isang extra. Maghapong nasa location, hindi mo alam kung kailan ka kukunan kasama ng big star na walang dialogue. Kung minsan pa nga hindi man lang nakita ang mukha mo on the big screen. Nakakaawa talaga ang maging extra sa pelikula at telebisyon.

Sigurado kaming ikatutuwa ito ng mga Vilmanian at fans na nananabik na ring mapanood muli ang kanilang idolo. Ayon sa production staff ni Direk Jeffrey, may ilang eksenang kukunan mismo sa Batangas City. Walang duda, hahakot ng award sa iba’t ibang award-giving bodies ang bagong pelikulang ito ng Star for All Seasons.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING