Maja Salvador and Rhea Tan health and wellness advocates

Leo Bukas

OPISYAL nang inilunsad ng Beautéderm Corporation isang araw bago ang birthday ng CEO ng kompanya si Rhea Tan noong Nov. 26, ang kanilang bagong produktong Beautederm Health Boosters na Reiko at Kenzen. Kung si Andrea Brillantes ang nagre-represent ng Gen Z, si Maja Salvador naman para sa adult market.

Maja Salvador and Rhea Tan health and wellness advocates
Maja Salvador

Ayon kay Rhea, ang Reiko at Zenken ay malaking tulong para palakasin ang overall well being ng bawat tao lalo na ngayong panahon pa rin ng pandemya at kailangan nating magkaroon ng  malusog na katawan at pag-iisip para  malagpasan ang global health crisis.

Kabilang si Maja Salvador sa mga pinaka-acclaimed at prolific na mga artista sa industriya ngayon na talaga namang umarangkada sa telebisyon, pelikula, at pati na rin sa musika bilang dancer at singer. Maliban sa kanyang mga legendary live performances at sa mga iconic na karakter na binigyang buhay sa pinilakang tabing at sa telebisyon, balik hosting na rin si Maja bilang isa sa mga mainstays ng Eat Bulaga.

“Malaking blessing ang Beautéderm at honored ako to be a brand ambassador of Reiko and Kenzen,” sabi ni Maja na kilala din bilang isang serious health buff.

“Naniniwala ako na dapat lahat balanse – there’s a time to work and a time to unwind and have fun. Pero ang constant sa buhay ko ay ang aking conscious effort to stay healthy. Napakahalaga ng health at pinagtutuunan ko ito ng pansin araw araw. I am encouraging everyone to make this line of health boosters a part of their daily lifestyle for that added boost of strength and vigor,” dagdag pa ng aktres.

Maja Salvador and Rhea Tan health and wellness advocates
Rhea Tan and Maja Salvador

Sobrang saya naman ni Rhea na  nagkatotoo ang isa sa kanyang mga pangarap na maging part ng Beautederm family si Maja.

Aniya, “We have been working on this health boosters for a very long time and now that it is finally here, worth the wait talaga. Bago pa man ang pandemic, very conscious na ako sa aking kalusugan and now more than ever, we all need to strengthen our immune system in order to survive to work hard for our families and loved ones. I am one with Maja in advocating a balanced, healthy lifestyle. I’m overjoyed to welcome Maja to the family.”