Maja Salvador and Rayver Cruz’ off-cam sweetness (Fan Mail)

Maja Salvador and Rayver Cruz' off-cam sweetness (Fan Mail)NAKAKAALIW NAMAN TALAGA ang mga fans ng ating mga celebrity. Tulad na lang nitong si Nina Belga, gamit ang kanilang e-mail address na ninabelga[at]yahoo.com, isang napakahabang sulat ang kanyang ipinadala sa atin. Kayo na po mga kaparazzi ang bahalang humusga!

Hello po! I’m Nina po, I am a Maray fan short for Maja (Salvador) and Rayver (Cruz). May isi-share lang po me sana.

Kami po na fans nila Maja and Rayver ay nagtataka kung bakit na-cancel ang supposedly movie nila together. Instead na bigyan nila ng break sina Maja and Rayver which they deserve naman, si Sarah (Geronimo) and Rayver ang my movie w/ Vhong (Navarro) and Toni (Gonzaga). We’re not against naman po kay Sarah.

Maja and Sarah are very good friends. Kaya lang, hindi ba dapat po, nabibigyan din naman ng break ‘yung ibang artista sa Kapamilya (network) na tunay na magagaling at may ibubuga rin. Parang hindi rin naman tama na dahil lang sa Kimerald fans, kaya hindi natuloy ang Sarah-Gerald movie. An actor/actress should grow rin naman and be paired w/ others, du’n din naman napapatunayan ng isang artista ‘yung capability niya to portray and be paired w/ others also.

Napanood ko ‘yung You Changed My Life nu’ng premiere night, and maganda ang response talaga ng tao Sarah-Lloydie (John Lloyd Cruz), sigawan at halos dumagundong ang SM noon compared sa Sarah-Rayver.

We dont know why they are pushing it (too) much. Ever since naman, Sarah didn’t admit na si Rayver ‘yung crush n’ya. Same w/ Rayver, he didn’t admit also na may balak s’yang ligawan si Sarah at hindi rin n’ya na-mention na crush n’ya si Sarah. Let’s face it po, popularity-wise, hindi magka-level sina Sarah at Rayver. I mean, ang magkasabay talaga, sina Maja and Rayver. They have the chemistry. I even watched their If I Were a Boy prod sa ASAP ’09. Kahit hanapin n’yo sa Youtube po, you can see that sarah is quite aloof to Rayver. Kahit na we know na pang promotion lang ‘yung mga patingin-tingin ni Rayver that time kay Sarah, and Sarah refuses to show pakilig to the audience also. To be honest, Sarah looks like “ate” to Rayver compared to Maja-Rayver team-up.

We think also that ABS-CBN should give Maja and Rayver a chance. Kaya rin naman nilang maka-establish ng magandang love team, if ABS-CBN will be just consistent to Maja-Rayver team-up. Pagdating sa acting, both of them proved a lot na rin, since Spirits, MMK, Your Song, and right now sa May Bukas Pa. At sana din po naman, ‘yung Moonriver ni Maja na last year pa nauudlot, sana this time mabigyan na siya ng big break. Para hindi rin nakakasawa ‘yung mga bida sa Primetime Bida po. Maja and Rayver po for Moonriver.

Ang mga maray fans naman po, or ang mga Cuties (Maja’s Fans Club) ay hindi kasing grabe kung magwala para sa mga iniidolo nila. We respect naman po ‘yun decision ng management ng ABS-CBN, kaya lang sana maging fair din sila.
By the way po, I attached some pictures na nakuha ko sa sa multiply site ng marays/cuties. See it for yourself po, kung wala talaga silang chemistry, off-cam pa po ‘yan.

Anyway you can check this sites po: www.majacuties.multiply.com or www.maraysforever.multiply.com.

Thanks po ng marami. Sana po makarating pa sa ibang writers ‘yung mga opinions po ng fans na katulad namin. Malaking tulong din po kasi kayo para sa amin, eh. – Nina

Parazzi Chikka

“MAY NAG-EMAIL SA akin at natawa ako sa e-mail. Galing sa fan nina Maja Salvador at Rayver Cruz, huh! Hindi raw nila nagustuhan ang pagsanib ng network para i-prepare ang ka-love team ni Maja na si Rayver sa singer/actress na si Sarah Geronimo, huh! Hindi nga raw kasi bagay ang dalawa, at mukha raw ate ni Rayver itong si Sarah, huh!

Nakakaloka! Kahit isa raw, walang kinilig sa team-up nina Rayver at Sarah, kumpara kina Maja at Rayver, huh! Naloka talaga ako! Kasi nga raw, itong sina Maja at Rayver, sweet na sweet daw talaga, kahit off-cam! Naku, ha?! ‘Yun na!”

Tita Swarding