Maja Salvador, aminadong moody ‘pag may dalaw

Maja Salvador, aminadong moody ‘pag may dalaw

Maja-SalvadorMAJA SALVADOR admitted that she gets moody when her monthly period comes.

“May kanya-kanyang moods ang babae kapag meron. Merong malambing, may masungit. Sa lalaki kasi sa isang araw ay sobrang chill lang sila, relax lang. Sa babae, sa isang araw ay lahat ng emosyon yata ay mararamdaman mo. May masaya, may malungkot na wala namang dahilan. Ang mga babae ay may topak talaga, eh, lalo na’t may period,” chika niya during her launch as Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners image model.

Kapag meron palang menstruation si Maja ay nanghihina siya at nagki-crave ng kung anu-ano.

“Malungkot (ako) pero hindi ko alam kung bakit ako malugkot. Matindi akong mag-crave. Alam kong magkakaroon na ako ng period kapag nagke-crave na ako ng kung anu-ano. Last week, nagki-crave ako ng crispy pata. Sa isang buong week ay parang crispy pata ang kinakain ko,” chika pa niya.

“Parang ang lungkot ng pakiramdam ko na parang wala namang dapat ikalungkot. Wala lang, parang mababa lang ‘yung energy mo,” she added.

At bilang comebacking endorser ng Sisters Sanitary Napkin and Pantyliner ay very grateful si Maja na nakinig sa kanyang mga suggestions ang may-ari nito.

“‘Yung mga request ko at ‘yung mga suggestion ko ay tinanggap naman nila. Kasi I wish na sana merong mas longer, mas mahabang pantyliner. Ayun, nu’ng nagbalik ako, tinanggap nila ang mga request ko,” she said.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas