Maja Salvador admits she and Erich Gonzales are avoiding each other

ADVERTISING

Maja Salvador admits she and Erich Gonzales are avoiding each other

Maja Salvador admits she and Erich Gonzales are avoiding each otherINAMIN NI MAJA Salvador na totoong may kung ilang buwan na rin silang dedmahan ni Erich Gonzales. “Actually, wala naman kaming away. Siguro ang nangyari sa amin, may kung anu-anong sumbong lang ang nakarating sa amin kaya nagkailangan kami.”                                                                                                                               Hindi raw plastikan ang pagbabatian nila ni Erich, pero aminado ang dalaga na mas malapit sa kanyang puso si Angelica Panganiban. “Hindi kasi siya plastic, mabait siya at very transparent sa lahat ng kanyang mga sinasabi at ginagawa.”                                                                                                                                         Pero hindi raw ibig sabihin niyon ay plastic na si Erich. “Ayoko pong magsalita tungkol sa away nila, dahil wala naman ako sa posisyon. Basta ang masasabi ko lang, pareho ko silang kaibigan.”                                                           Si Derek Ramsay ang nasa gitna ng away nina Angelica at Erich. Itinaggi naman ng aktor na nanliligaw siya kay Erich. Pero hindi mamatay-matay ang isyu, lalo pa’t nagbigay-komento si Angelica sa TV Patrol. Speaking of Derek, isang laro ng lang ay champion na sa international Frisbee si Derek, kasama ang kanyang team. Kung saan nasa Singapore ang aktor sa mga sanda-ling ito.

 

NAKAUSAP NAMIN NANG personal si Baron Geisler kamakailan at inamin ng binata na ang kanyang bahay ngayon – ang rehabilitation center at ang totoong bahay niya. “Six months ako sa rehab, ay nakaka-one and a half pa lang ako. Pinayagan nila akong lumabas kapag may showbiz commitment.” Ayon kay Baron, sa loob ng rehab ay isang ordinaryong tao lang siya, kung saan ay naghuhugas ng plato at naglalaba siya.                                                                                                                                               “Mas gusto ko ang set-up ng buhay ko du’n. Lahat kami, pantay-pantay at nagpapasalamat ako dahil bago mahuli ang lahat, naisipan kong magbago.”                                                                                                                  Ayon kay Baron, maganda ang naging pasya ni Jiro Manio na magpa-rehab din ito. “Kasi, it’s not too late. Habang buhay tayo, meron tayong pagbabago.                                                                                                              Inamin ni Baron na mula nang pumasok siya sa rehab, ni patak ng alak ay hindi na niya natikman. “Ang importante lang dito, ang pagsisihan mo ang mga mali mong nagawa. At alam ko makakabalik si Jiro.”  Sa Kabuuan, sinabi ni Baron sa Pinoy Parazzi, na malaki talaga ang nagawa niyang kasalanan sa kanyang sarili. “Sinayang ko ang maraming blessing para sa akin at ‘yung mga magagandang opportunity ay nawawala sa akin. Marami rin ang nagalit sa akin dahil mali nga ang ginagawa ko at ngayong nagbagong-buhay na ako, alam kong mapapatawad nila ako sa mga nagawa kong kasalanan,” pag-wawakas ng aktor.

 

ADVERTISING

NATAGPUAN NAMIN SI Mark Joseph na dating Pene King sa showbizlandia. “Nanggagamot na ako ngayon at three years kong pinag-aralan sa Amerika ang pagsasaayos ng mga buto ng tao.”                                                  May edad na si Mark pero hindi siya tulad ng ibang artista na nakita natin na matapos ang kanilang karera ay nawalan ng direksiyon ang kanilang buhay. “Hindi kasi ako nag-drugs. Totoong nagbo-bold ako at nagpapakita, pero hindi ko pinabayaan ang sarili ko at hindi ako nag-drugs. At iyon siguro ang pagkakaiba ko sa kanila.”                                                                                                                                              May apat na babaeng anak si Mark at nakatira siya sa Antipolo, Rizal. ‘Totoong mayayaman ang mga nagiging pasyente ko pero hindi ibig sabihin noon ay hindi na ako nanggagamot sa mahirap, kahit libre lang. At marami akong natulungan na sa gawain kong ito.”                                                                                                           Ayaw ibigay ni Mark ang kanyang address at cellphone number. “Nagulat nga ako, Morly, bakit may lumalabas na news sa akin. Kasi by mouth lang ang paggagamot ko, at may isa yatang naging pasyente ako na gumaling ay siya mismo ang nagpatunay, kaya hayun…naisulat ako.” Sa kabuuan, hindi naman pinagsisisihan ni Mark ang pagiging Pene King niya noon. Pero ayaw na raw niyang balikan kung anuman ang mga nagawa niya, dahil malalaki na ang kanyang mga anak at may matataas na nga-yong pinag-aralan.

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING