Maja Salvador, ‘di nagdalawang-isip na manatiling Kapamilya

MAJA SALVADOR RECENTLY renewed her contract with ABS-CBN for another three years. Sinabi ni Maja na hindi siya nahirapang mag-isip kung mananatili siya sa Kapamilya Network.

“Iba kasing mag-alaga ang ABS-CBN at malaki ang nai-tulong sa akin ng network na ito. Iyong unang labas ko sa The Buzz, sila ang dahilan bakit nagkita kami ng dad ko. At ABS-CBN ang tumupad ng pangarap ko,” she said. “Kung nasaan ako ngayon, sila ang nagbigay, kaya malaki ang utang na loob ko. Kaya ‘di dapat nagdadalawang-isip kung may offer man sa kabila.”

Ang bilis talagang lumipas ng panahon. I still remember my interview with the young Maja in her very first television appearance on The Buzz. Ito rin ang nagbukas ng pinto para sa kanya sa mundo ng showbiz. We also covered the meeting of Maja and her late father, Ross Rival.

She belongs to showbiz royalty kaya hindi kataka-takang may angking galing din sa pag-arte si Maja. Aside from her father, kapamilya rin niya sina Jobelle Salvador, Phillip Salvador and the late actors Leroy and Lou Salvador.

Pinatunayan ito ni Maja nang makipagsabayan siya sa pag-arte kay Star for All Seasons and Batangas Gov. Vilma Santos sa Regalo episode ng Maalaala Mo Kaya kung saan nila pinaluha ang publiko bilang mag-ina. In the episode, Maja played April who suffers cerebral palsy. Tinakot din tayo ni Maja sa pelikulang Sukob kung saan naman siya gumanap bilang si Joya, a psychic.

Kasama rin si Maja sa mga ABS-CBN teleserye tulad ng May Bukas Pa, Nagsimula sa Puso, Minsan Lang Kita Iibigin, at ngayon sa My Binondo Girl. She has matured a lot as an actress and she didn’t mind shedding her sweet and wholesome image gaya ng kanyang ginawang pagpapaseksi sa Nagsimula sa Puso.

Excited na si Maja sa kanyang mga naka-line up na projects sa ABS-CBN. Isa na rito is a project with her idol, Megastar Sharon Cuneta. “Pangarap ko talaga siya at ito na makakasama ko na siya. Ako iyong magiging anak niya,” she said. Maja is also set to start taping a new series soon. “They are still fixing it. Inaayos pa po. So at least ‘di tayo mawawalan ng show.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articleBaka maglabasan lang ng baho at makalimutan kaso ni Ram Revilla Sen. Bong Revilla Jr., ayaw nang patulan ang mga patutsada ni Genelyn Magsaysay
Next articleGulong-gulo raw kasi ang pag-iisip Ramona Revilla, sadyang pinaalis sa bansa?!

No posts to display