Maine Mendoza, type ng Broadway producer na si Shea Arender

Maine Mendoza, type ng Broadway producer na si Shea Arender

Maine-MendozaWALA NA ngang duda na sikat na nga itong si Yaya Dub o Maine Mendoza. Pati nga ang American singer-songwriter and Broadway producer na si Shea Arender ay gusto siyang makasamang makatrabaho.

‘Eto ang kanyang ipinost: “As you guys know, I’M a Broadway producer, I was looking for a new actress for my new comedy  musical. I came  across this beautiful and talented Filipina actress Maine Mendoza aka Yaya Dub on Youtube. girl is hilarious. Ilove her funny faces.They make me laugh everytime.”

So, ‘di lang dito sa Pinas sikat si Yaya Dub.

True na ito dahil nakausap namin via Skype ang international singer na si Shea. Sobrang intresado siya. At posibleng dumating siya rito sa Pilipinas sa October 17. Magkakaroon din kasi siya ng show sa Macau. At dadaan siya muna rito para um-attend ng Star Awards for Music sa Septeber 18.

Guwapo ang singer producer at sana magkatagpo silang dalawa. ‘Yun na. Abangan.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!