Maine Mendoza, tinawag na “jologs” at “yuck” ang Sexbomb dancers

ADVERTISING

Maine Mendoza, tinawag na "jologs" at "yuck" ang Sexbomb dancers

Maine Mendoza
Maine Mendoza

Very condescending ang tweet ni Maine Something sa Sexbomb dancers.

Ang kanyang “puro kajologsan ang Sexbomb” with matching “yuck, yuck”, yuck” na aria sa Twitter ay talaga namang nakate-turn off.

Kahit na sabihing six years ago pa ang tweet na ‘yon, talaga namang nakadi-disappoint, dahil parang minaliit niya ang Sexbomb pati na ang tumatangkilik sa show nila dati na “Daisy Siete”.

Her tweet painted a bad picture of her. Nagmukha siyang matapobre, mapangmaliit sa Sexbomb.

ADVERTISING

So, kahit na anong pagpapa-sweet ang ipakita niya sa TV, kahit na anong excitement ang ipakita niya sa isang segment sa noontime show ay mawawalan ito ng saysay, dahil pakitang-tao lang pala ito. Ayaw pala niya sa jologs.

Hindi yata na-realize ni Maine na magiging sikat siya kaya ganoon na lang ang kanyang pangmamata sa Sexbomb.

Sa mga defenders ni Maine, sana’y maliwanagan kayo. Oo nga’t six years ago na ang tweet, pero hindi maikakailang may pagkamatapobre ang idol ninyo.

Easily, ayaw pala niya sa masa, mataas ang taste niya. In short, pinepeke niya ang kanyang mga arte sa “Juan for All, All for Juan”.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING