Maine Mendoza, tila ipinahiya ni Vico Sotto

ADVERTISING

Maine Mendoza, tila ipinahiya ni Vico Sotto

Maine Mendoza & Vico Sotto
Maine Mendoza & Vico Sotto

Parang ipinahiya ni Vico Sotto si Maine Mendoza.

Ang dating kasi ng kanyang denial ay parang diring-diri siya nang may nagsulat na nagpaalam siya kay Vic Sotto na liligawan niya si Maine Mendoza.

His “Statement on the issue: the issue is when people have no issue about making an issue where there is really no issue. #tissue” comment sadly placed Maine on a bad light.

Parang ang naging dating kasi ay hindi siya talaga type ni Vico.

ADVERTISING

It appears na wala naman palang ka-apeal-appeal itong si Maine sa anak ni Vic Sotto.

Pero meron din namang nagsasabing nagpapakatotoo lang naman si Vico. Alangan naming ipilit niya ang sarili niya kay Maine kung hindi naman niya ito type.

Bakit nga ba tila mailap ang love life para kay Maine?

Si Alden Richards, parang wala ring gusto kay Maine. Parang love team lang talaga sila kaya kahit na anong udyok ng AlDub fans ay waley pa rin.

Actually, simple lang naman ang kagandahan ni Maine pero bakit parang wala siyang suitors?

Was it all because of AlDub? Dahil alam nilang kukuyugin ng lait ng fans ang sinumang guy na poporma kay Maine?

Ang AlDub fans kasi solid kay Alden para kay Maine kaya kung sinuman ang ma-link either kay Maine or Alden ay tiyak na kawawa. Malamang i-bully sila katulad ng ginawa nila kina Derrick Monasterio, Kris Bernal, Louise delos Reyes, at Julie Anne San Jose.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING