Maine Mendoza, suplada sa personal sabi ng ina ng batang fan

ADVERTISING

Suplada sa personal. Ito ang tawag ng isang ina ng isang batang fan kay Maine Mendoza.

Isang mahabang litanya ang ipinost sa Facebook ng isang Tamara Ann Diokno Bautista kaugnay ng karanasan umano nilang mag-ina nang magpakuha ng litrato ang anak niya kay Maine nang mag-shooting ng isang commercial sa kanilang lugar ang phenomenal star.

ADVERTISING
Maine Mendoza and Derick Hubalde With Fan
Maine Mendoza and Derick Hubalde With Fan

Aniya sa post, “Maine Mendoza, suplada ka pala in person. So disappointing! My son WAS a big aldub fan. They were shooting a commercial at the basketball court of our village. All Tyler wanted was a picture and an autograph. He stood waiting for 2 hours, sweating and all.

“When we saw her I called her and said that my son is a big fan and if he can have his picture taken with her. Some sort of pumayag pero halatang pilit. I was taking the picture when someone she knew walked by. Wow biglang friendly ang peg! Kaya ganyan yung picture.

Masama umano ang loob ng anak at gusto pang humingi ng autograph mula kay Maine.

ADVERTISING

“Tyler was upset. Ayaw pa umalis he still wanted an autograph. ASA pa. I even made a joke saying kamukha ni Tyler si Alden kasi nga ang sungit but no, poker face pa din! Not a word! Hindi siya tired or gutom kaya wala siyang excuse!

“Boo Yaya Dub! Buti pa si Zuma!

Hinikayat naman ng kanyang FB friends itong si Tamara na gawing public ang kanyang post at i-share sa fan pages ng AlDub at “Eat… Bulaga!”.

Ani Zee Tecson Abuil, “Lagay mo sa aldub page nila… Unacceptable.. Pag ang fame pumunta na sa ulo iba na tlga… Tsk tsk tsk”

Na tinugon naman ni Tamara ng, “Hanapin ko yung page lol”

Hirit pa ni Zee, “Or sa eat bulaga page lol”

Say naman ni Pam Ylagan, “Make this post public, Tara-rah-rah-rah! Tag ABS and GMA!”

Tumugon din dito si Tamara: “I know right!

Pero nagulat umano si Tamara dahil biglang dumami ang kanyang friend requests sa Facebook na halos maya’t maya. Duda apa niya, tila nasa hitlist na siya ngayon ng aldub fans.

Sa kanyang post, “Oh my gosh! This is soooo crazy! People I don’t know have been adding me on fb like every 15 mins!  Delete delete delete! I bet they wanna bash the shizz outta me. I’m on the aldub fans hitlist now haha. Ayoko sumikat! Hahahaha”

Hindi umano nagkamali si Tamara sa kanyang hinala dahil, “Inaatake nako ng aldub fans Sa page nila hahahaha!”

Maine Mendoza With Fan
Maine Mendoza With Fan

Samantala, sa Twitter, mariing pinabulaan naman ni @Dyekdimz ang akusasyon ni Tamara laban kay Maine. Aniya, “@pabebengamazona wag maniwala, ito po yung pic ng anak niya with meng, kavillage ko sya”

By Parazzi Boy

ADVERTISING