Maine Mendoza, sobra-sobra sa inaasahan ang naabot na pangarap

ADVERTISING

Maine Mendoza, sobra-sobra sa inaasahan ang naabot na pangarap

Maine Mendoza
Maine Mendoza

Sa grand presscon ng pelikulang “Imagine You & Me” na unang tambalan sa big screen nina Maine Mendoza at Alden Richards, inamin ng dalaga na masaya na siya sa estado niya ngayon bilang artista.

Ang simple niyang pangarap na makita ang sarili sa billboard ay natupad na. At sa katunayan, more than what she expected dahil bukod sa kagustuhan na makita niya ang sarili sa mga billboard na pangarap ay naabot na niya ang hindi ini-expect ng sino mang showbiz celebrity na in less than a year ay nandu’n na siya sa estado na dati-rati’y pangarap niya.

Si Maine Mendoza, star na star na nga talaga. Sa katunayan, ang love team nila ni Alden (AlDub) na nagsimula lang noong una sa segment na kalye serye sa “Eat… Bulaga!” ay siyang nagdala sa kanya sa tugatog ng tagumpay.

Sa tambalan nila ni Alden, sino nga ba ang nagdadala? Si Alden ba o siya ang dahilan para mag-click ang love team nila sa telebisyon na nagpasok ng milyun-milyong kontrata ng mga product endorsements nila?

ADVERTISING

Tanong ng marami, sino ba ang nakatulong kanino? Without Alden ba, magkakaroon kaya ng isang Maine Mendoza, or shall I say without Maine, walang magiging isang sikat na Alden na noon pa man ay nagsumisigasig na makilala at magkaroon ng sarili niyang tatak sa showbiz?

We’ve learned na hindi pala lahat ng mga supporters ng dalawa ay solve sa love team ng AlDub.

May mga solid Maine Mendoza lang pala at ayaw kay Alden. Meron din namang mga fans ng binata na ayaw sa dalaga na sinasakyan na lang nila, dahil ito ng gusto ng maka-AlDub.

Pero sayang naman kung masisira o sisirain ang samahan at tambalan ng dalawa gayong may kumakagat sa kanila at ngayon nga ay isa nang pelikula ang “love team” nina Maine and Alden.

Ang pelikula nila na partly shot in Italy ay pang-anniversary offering na rin sa mga fans nila na ipalalabas na come July 13 kung saan ang 1st year anniversary naman ng love team nila ay on July 16.

Makasasama ng dalawa sa pelikula na dinirek ni Michael Tuviera para sa APT Films, GMA Films, at M-Zet Films sina Cai Cortes, Kakai Bautista, at Jasmine Curtis-Smith.

As of this writing, may almost 75 block screening na para sa pelikula na inorganisa ng mga supporters nila.

Sa July 12 ay may premiere night para sa pelikula, ayon sa pagbabalita ng kaibigang Jun Nardo sa amin na siyang publicist ng pelikula.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING