Maine Mendoza, sinapawan nang husto si Marian Rivera sa trade launch ng Siyete

ADVERTISING

Maine Mendoza, sinapawan nang husto si Marian Rivera sa trade launch ng Siyete

Maine Mendoza, sinapawan nang husto si Marian Rivera ng trade launch ng SiyeteUnwittingly, sinapawan nang todo-todo ni Maine Something si Marian Something during the recent trade launch of GMA 7.

ADVERTISING

Nang dumating si Maine  along with Alden Something, halos mayanig ang venue sa lakas ng tilian ng fans. Pinagkaguluhan kaagad ang dalawa, kaliwa’t kanan ang request for selfies. May humahalik, may yumayakap. Talagang halos magkagulo sa dami ng gustong makalapit kina Maine at Alden.

When  they came, nawala ang attention ng mga tao roon sa ibang celebrities including La Marianita. Talagang naisnab ang beauty ng nagbabalik na aktres.

Security nightmare nga raw itong sina Maine Mendoza at Alden dahil wherever they go ay talagang dinudumog sila. They needed bodyguards pa para kunin sila dahil talagang ayaw silang tantanan ng fans nila. Sa backstage daw dinala ang dalawa.

ADVERTISING

Sensing it was time to make Marianita meet Marian Rivera for the first time, agad-agad na pinuntahan ng alalay ni Marian na si Rams David si Maine para dalhin sa table ni Marian.

Marianita was cool as a cucumber kahit na sinapawan siya ni Maine Something. She seems unaffected over the undivided attention that fans gave to Maine. Ayaw niyang paapekto. Period!

And so, the much-awaited photo-op came. Click dito, click doon ang mga cellular cameras, chronicling the process, the pagsasama ng dalawang prized possessions ng GMA-7, ‘yung isa papunta na sa pagkalaos at ‘yung isa sikat na sikat na.

It was obvious that Maine and Alden are the pinakasikat sa Siyete ngayon. In an event like this, hindi man nila ginusto ay nasasapawan nila ang ilang celebrities like the royal couple kuno na sina Marian at Dingdong. Kitang-kita na papunta na sa pagkalaos ang dalawa when attention was directed to Maine and Alden.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING