Maine Mendoza shows idealistic, romantic side in ‘Lost With You’

MAY REGALO si Maine Mendoza sa kanyang loyal supporters!

Kung last year ay napa-reminisce tayo tungkol sa mga past crushes and lovers sa ‘Parang Kailan Lang‘ kung saan nakasama ng dalaga ang Grace Note, this time naman ay isang idealistic, romantic song ang bagong handog ni Maine with ‘Lost With You‘.

Maine Mendoza shows idealistic, romantic side in 'Lost With You'
Maine Mendoza

Unang nilabas ni Maine ang ‘Lost With You’ as a digital single for her birthday. This time ay may music video na ito!

Sa video ay featured ang Kapuso actor na si Vince Crisostomo at Sofia Jahrling, na napag-alaman namin na loyal fan ni Maine Mendoza since 2015. They play the role of the young couple na gusto lang makasama ang isa’t isa.

Kapansin-pansin naman ang pagiging blooming and natural positive aura mula kay Maine Mendoza sa video. Litaw na litaw ang freshness na para bang gusto mo na rin kumanta about love. Siguro’y lumalabas lang din talaga kung gaano ito ka-happy at kasatisfied sa buhay niya ngayon, na compared to the previous years ay mas tahimik na ang kanyang private life. Less chaotic at mas may privacy na.

 

Sa mga hindi pa nakakapanood, narito na ang music video ng ‘Lost With You’. Magkakaroon na kaya ng full album ang ating blooming superstar? Ito na ang tamang panahon!