Maine Mendoza, prayoridad ang makapagpasaya ng tao

ADVERTISING

Maine Mendoza, prayoridad ang makapagpasaya ng tao

Maine Mendoza
Maine Mendoza

“Ni katiting na dumi nga sa kuko nina Ms. Sharon Cuneta at Nora Aunor ay wala pa ako!”

Ito ang pahayag ng Phenomenal Star na si Maine Mendoza sa presscon ng inaabangan nilang pelikula ni Alden Richards, ang “Imagine You & Me” na ipalalabas na sa July 13.
Very humble ngang sinabi ni Maine na hindi siya more on sa mga title or ka-level ng mga sikat na artista like Sharon at Nora, dahil ang makapagpasaya lang daw ng tao ang gusto niyang gawin.
“Basta nakikita kong may napasasaya akong tao sa mga ginagawa namin, happy na ako roon.”
If ever na darating nga raw ‘yung time na hindi na siya sikat, okey lang daw si Maine dahil nagawa na naman daw nito ang gusto niyang gawin at ito ay ang makapagbigay-aliw sa kanilang mga manonood.
At ang pelikula nga nila ni Alden na “Imagine You & Me” ang regalo nila sa kanilang AlDub Nation at sa mga taong nag-e-enjoy na panoorin sila ng kanyang ka-love team na si Alden.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING