Maine Mendoza, natupad ang matagal nang pangarap dahil sa Eat… Bulaga!

ADVERTISING

Maine Mendoza, natupad ang matagal nang pangarap dahil sa Eat… Bulaga!

Maine-MendozaDAHIL SA tinatamasang kasikatan ngayon ni Maine Mendoza a.k.a Yaya Dub sa Eat… Bulaga!, marami pa rin ang nagtatanong kung paano nakapasok ang dalaga.

ADVERTISING

Ayon sa blog post ni Maine, sa kanyang pamilya lang niya ipinaalam na kinukuha siya ng Eat… Bulaga! dahil maging siya ay hindi makapaniwala na kinukuha siya ng longest noontime variety show sa GMA 7.

Kahit hanggang ngayon raw ay tinatanong ni Maine ang sarili na: “Ano ba nagawa ko? Ano bang mayroon sa akin? Bakit ako?”

Tinawagan pala siya ng staff ng EB for an interview, pagkatapos ng ilan araw ay tinawagan siya uli para sabihing nakapasa siya at magiging bahagi na ng noontime show.

ADVERTISING

Matagal na palang pangarap ni Maine na maging artistam, pero natatakot siyang sabihin sa kanyang magulang baka pagtawanan at sa tingin niya ay hinding-hindi naman matutupad ang pangarap.

Ipinapanood sa kanya nang live ang Juan For All, All For One sa isang barangay at pagkatapos ay tinanong kung okey sa kanya ang nasaksihan. Umokey naman siya kaya ini-schedule na siya ng Saturday (July 4) as Divina Ursula Bokbokoba Smash aka Yaya Dub, ang alalay ni Lola Nidora (Wally Bayola), kasama rin sina Jose Manalo at Paolo Ballesteros.

Tapos isinilang nga ang AlDub love team na tinawag na ni Joey de Leon na kalyeserye.

Ngayon, isa na si Maine aka Yaya Dub sa EB na nagpapasaya, nagpapakilig at nagpapaiyak sa mga tagasubaybay ng longest runnning noontime show sa GMA 7.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING