Maine Mendoza, natanggap na ang kanyang MMFF Best Supporting Actress trophy

ADVERTISING
therealrickylo Instagram post with Maine Mendoza
therealrickylo Instagram post with Maine Mendoza

Nakuha na ni Maine Mendoza ang kanyang Best Supporting Actress trophy na napanalunan sa Gabi ng Parangal ng 2015 Metro Manila Film Festival sa kanyang pagbisita sa opisina ng The Phillippine Star para sa isang exclusive interview ni Ricky Lo kahapon, January 15.

Ibinahagi ng entertainment columnist sa kanyang Instagram account na “therealrickylo” ang litrato kasama si Maine Mendoza na hawak-hawak ang kanyang trophy.

ADVERTISING

Hindi nakadalo si Maine sa Gabi ng Parangal na na ginanap noong December 27, 2015 sa Kia Theater sa Araneta Center, Cubao, Quezon City. Nasa Japan siya ng mga panahong iyon kasama ang kanyang pamilya kung saan sila nagbakasyon noong Kapaskuhan.

Napagwagian ni Maine ang nasabing award sa pagganap sa kanyang debut film na “My Bebe Love” kasama ang kanyang ka-loveteam sa kalyeserye ng “Eat Bulaga!” na si Alden Richards at sina Ai Ai delas Alas at Vic Sotto.

Matatandaang kinabukasan, December 28, nag-tweet si Maine sa kanyang milyun-milyong followers, kung saan maging siya ay nagulat umano kung bakit siya ang nanalo. Tila inunahan na niya ang mga posibleng pag-atake sa kanya ng mga basher kaugnay ng pagkapanalo ng nasabing award.

ADVERTISING

By Parazzi Boy

ADVERTISING