Maine Mendoza, ‘namalimos’ kay Mo Twister noong araw

ADVERTISING

Maine Mendoza, ‘namalimos’ kay Mo Twister noong araw

Maine-MendozaMISTULANG “NAMALIMOS” pala noong araw si Maine Mendoza kay DJ Mo Twister. Mo posted a photo of Maine’s message to him three years ago in which she said, “My sister has been paying my globe bill ever since. Want to give her a break at least for once. Worth 3K#PayYourBills.”

“Someone sent this tweet to me from 3 years ago today. Thought it was cool to see how family oriented she is. For #aldubnation

“This was from a contest I ran on Twitter wherein people would tweet me and I’d pay their cell bill.”

That was Mo’s caption sa photo ni Maine na ipinadala sa kanya ng isang fan.

ADVERTISING

Akala ko ba mayaman itong si Maine? Hindi ba’t graduate siya ng isang prestigious school? Bakit kailangan pa niyang “mamalimos” kay Mo?

 

TILA NAGMISTULANG inutil ang AlDub fans dahil hindi nila sinuportahan nang todo ang idols nila na bidang-bida sa GMA Station ID. Tinalo kasi ng #ThankYoufortheLove Christmas Station ID ng ABS-CBN ang  #maGMAhalantayongayongpasko Christmas Station ID ng GMA-7.

Kumain ng alikabok sa Youtube ang Siyete dahil over 1.5 million views lang ang nakuha nito habang 2.1 million views naman ang nakuha ng ABS-CBN.

Nakakuha ang ABS-CBN Christmas Station ID ng 51,407 likes against GMA’s 46,896 likes.

May pinakamaraming DISLIKE ang GMA Christmas Station ID na umabot sa 10,334 laban sa 4,430 dislikes ng Dos.

So, walang nagawa ang AlDub fans para iangat ang number of views ng GMA Christmas Station ID kahit pa babad na babad ang idols nila.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING