Maine Mendoza, masyadong minamadali

ADVERTISING

Maine Mendoza, masyadong minamadali

Maine-MendozaHINDI MARUNONG umarte itong si Maine Something.

Napanood ng friend naming si Arnel Ramos ang Saturday episode ng kalyeserye at sukang-suka siya sa drama component ng show where it featured Maine.

Halatang bano pang umarte si Maine, hirap na hirap daw itong itawid ang dramatic scene niya. Ayun, lumaylay raw ang eksena dahil sa kanya.

Masyado kasing hinahasa nang mabilisan si Maine sa kalyeserye kaya kahit na hindi pa ito handa para sa dramatic parts ay sugod pa rin siya. Akala ng namamahala sa kanyang career, makatutulong ang workshop-on-the-air sa kanilang alaga. Ayun, sumabog sa harapan nila ang kapalpakan ng dalaga to essay dramatic parts.

ADVERTISING

Pansin na pansin din na after their Philippine Arena episode, lumaylay na ang rating ng show. Hindi na nila na-carry ang mataas na rating. Wala na kasi ang mystery ni Yaya Something nang pagsalitain na siya.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING