Maine Mendoza, itinulak ng isang female fan; AlDub fans, nagwala

ADVERTISING

Maine Mendoza, itinulak ng isang female fan; AlDub fans, nagwala

Maine Mendoza
Maine Mendoza

Nagwala ang AlDub fans sa Instagram video kung saan nakitang itinulak ng isang female fan si Maine Mendoza.

ADVERTISING

Kitang-kita sa video na nagulat si Maine Mendoza nang itulak siya mula sa likuran ng female fan. Ito namang mga Rogelio na bantay niya ay hindi aware sa nangyari.

Galit na galit ang AlDub fans sa kapwa nila fan ni Maine. Ang feeling nila ay sinadya ‘yung pagtulak sa TV personality.

“halatang nagulat si meng, pinigilan na lang siguro sarili…kahit naman sino hindi magiging angel pag ganito na di ba?” say ng isang fan.

ADVERTISING

Nagalit naman ang isang fan  sa bodyguards ni Maine and said, “Ano ba naman Yang mga Rogelio, ang lalake ng katawan, wala sa sariling magbantay. Alert naman po mga kuya.”

“Kulang talaga sa training yung bodyguards ni Maine? Lagi silang nalulusutan,” say ng isa pa.

Ang feeling ng AlDub fans ay hater ni Maine ang ang girl na nanulak.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING