Maine Mendoza, ikinumpara sa aso ng director ng Sunday show

ADVERTISING

Maine Mendoza, ikinumpara sa aso ng director ng Sunday show

Maine-MendozaNasa Beastmode ang AldubNation dahil hindi raw nagustuhan ng mga ito ang ginawa ni Direk Rich Ilustre nang ikumpara nito sa isang aso na nakasuot ng apron, may wig na animo’y si Maine Yaya dub Mendoza, at tinawag nitong Yaya Dog sa twitter account nito.
Tili nga ng AldubNation na respeto naman daw sa kanilang idolo na ikumpara sa isang aso. Dagdag pa ng mga supporters ni Maine Mendoza na alam naman daw ng mga ito na ayaw ni Direk Rich kay Maine para kay Alden Richards.
Kaya naman inulan ng bash si Direk Rich galing sa AldubNation na galit na galit sa ginawa nito. At kahit nga raw nag-sorry si Direk Rich, galit na galit pa rin dito ang ibang mga miyembro ng AldubNation.
April-Boy-Regino-Idolito-dela-CruzApril Boy Regino, todo ang suporta sa ‘Tol Idol  and Friends concert


SUPORTADO NI
April Boy Regino ang concert ng mahusay na singer/composer/ producer na si Idolito Dela Cruz na hatid ng Bestfriends Music Production na gaganapin sa Music Museum sa Greenhills, San Juan sa Dec. 16, 8 p.m. mula sa direksiyon ni John Nite.
Ayon nga kay April Boy, “Panahon na para magkaroon ng panibagong iidolohin, kaya suportado ko si Idolito.”
Maalalang isa si April Boy sa paboritong singer ni Idolito, kaya naman sa kanyang first major concert, ni-request nito sa producer ng kanyang concert na isama si April Boy.
Bukod kay April Boy, magiging espesyal na panauhin nito sina Soul Princess Jonalyn Viray, PMPC Star Awards For Music 2015 Best New Female Recording Artist Hannah Nolasco, Goodvibes, Prince of Ballad Gerald Santos, at Walang Tulugan With The Master Showman co-host Shermaine Santiago. With 5AZ 1, KakaBoyz, RP-POP-Jewels, singer/ composer/ producer Dennis Dela Cruz, Danica Rustia, at Erika Sanma.

Para sa ibang detalye at tickets, tumawag lang sa 0927-9234686 o 543-12-73 o tumawag sa Music Museum sa numerong 721-67-26.

 

ADVERTISING

Anak OFW Short Filmfest, nagsimula na


MAGKASABAY NA
ginawa ang presscon at screening ng Anak OFW Short Filmfest kahapon Dec. 10, 2 p.m. sa SM Megamall, Cinema 12.
Ang mga pelikulang kasali sa OFW Short Filmfest 2015 ay ang mga sumusunod: Confessions Of Grace starring Jade Lopez, Irene Celebre, at Agatha Tapan; Si Tita Ang Nanay Ko starring Andrea del Rosario, Nicole Dulalia, at Ms. Gelli de Belen; Amboy’s Pigeon starring Daiki Ang & Cherry Malvar; Pasawa Boys starring Gepoy Tuason and Rain Villar directed by Christian Vasquez; at A Better Life starring Gabby Eigenmann at Rich Asuncion.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING