Maine Mendoza, gustong maging Mrs. Fulkerson

ADVERTISING

Maine Mendoza, gustong maging Mrs. Fulkerson

Maine-MendozaMARAMING KINILIG sa naging pahayag ni Maine Mendoza aka Yaya Dub sa tanong kung ano ba ang gusto niya, ang maging Mrs. Alden Richards o maging Mrs. Richard Fulkerson? Ang Richard ay ang first name ni Alden at ang Fulkerson ay siyang family niya.
Pinili ni Yaya Dub ang maging Mrs. Fulkerson kasi ito raw ang totoong pangalan at hindi screen name ng kanyang ka-loveteam na si Alden Richards.
Kaya naman sa tinuran ni Maine, maraming Aldub Nation sa buong Mundo ang nagpahayg ng kilig sa kani-kanilang Twitter, Facebook, at Instagtam accounts.
Mukha nga raw nagiging malalim na ang pagtitinginan nina Alden at Maine na ang pinag-uusapan na ay ang pagiging Mrs. Fulkerson nito in the future.
Mary-Joy-ApostolSMAC Artist na si Mary Joy Apostol, masuwerteng nakasama sa sa isang international film

ADVERTISING

MASUWERTE ANG isa sa alaga ng SMAC na si Mary Joy Apostol, dahil kasama ito sa isang international film na rito sa Pilipinas ginagawa at ipalalabas sa ibang bansa.
Isa raw sa bida si Mary Joy sa nasabing international film, kaya naman daw magandang exposure ito sa magandang teen actress para magkaroon ng exposure abroad.
Bukod sa ginagawa nitong pelikula, nakagawa na rin ito ng isang pelikula entitled Hakbang, kung saan nakasama nito ang actor na si Teejay Marquez.
Kasama rin ito sa Webserye na “The Last Chance” kabituin ang Gawad Kabataan ambassador na si Justin Lee at sa variety show na “Bee Happy Go Lucky” na parehong ipinalalabas sa YouTube sa Celebrity Channel.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING