Maine Mendoza, disenteng humingi ng dispensa kay Julie Anne San Jose sa pamba-bash ng ilang AlDub fans

ADVERTISING

Maine Mendoza, disenteng humingi ng dispensa kay Julie Anne San Jose sa pamba-bash ng ilang AlDub fans

Maine-MendozaAkala ko ang KathNiel Fans ang pinakabastos at barubal sa mga na-encounter ko. ‘Yun pala, hindi. May pumalit na sa puwesto nila. Ang mga fans ni Maine Mendoza, mas bastos at mas barubal at hindi pa marunong magbasa. In short, pupulutin mo ang IQ ng ilan sa estero ng Ongpin sa Chinatown.

ADVERTISING

Nang ibuko kasi ng director ng Sunday Pinasaya na ang singer na si Julie Anne San Jose ang totoo at tunay na girlfriend ni Alden, ang mga hitadera, super react at ang kawawang si Julie Anne, siya ang na-bash ng AlDub fans. Hindi ko ini-expect na ang mga AlDub fans ay ganun kakitid ang mga pag-iisip ng ilan.

Sa katunayan, I had a conversation with one decent professional AlDub follower and supporter recently and told me na karamihan sa mga nakasasama ng mga friends niya sa AlDub Nation (‘yun yata ang tawag sa kanila), kung hindi mga high school students, parang mga nagtitinda sa palengke. Hindi alam ng ka-chat namin ang social status ng karamihan sa mga nakasasabayan nila mga tagahanga dahil ang iingay raw. Sigaw ng sigaw for no reason at all.

Mabuti na lang, si Maine Mendoza, disente at may pinag-aralan at humingi pa ng dispensa kay Julie Anne San Jose last Sunday sa backstage ng show nila dahil sa pambabastos ng mga fans nila ni Alden just because of the information na sinabi ng Sunday Pinasaya director. Saksi si Gladys Guevarra sa pag-uusap nina Maine at Julie Anne.

ADVERTISING

Natatawa kami sa ilang mga AlDub fans na super wagas kung mag-emote at ilaban ang mga idols nila gayong daig pa nila ang tuta na may pangalan habang sila nagkukubli sa mga alyas. Ang mga AlDub fans na ang lalakas ng loob at nagtatapang-tapangan. Wala na ngang mga totoong picture ang profile nila sa social media, alias pa ang gamit. In short, mga duwag. Nakatatawa ang ilang mga fans na ang utak, natapakan ng pison. Kung mang-away akala mo ang tatapang gayong hanggang social media lang malakas ang loob dahil hindi nga kilala ang tunay nilang identity.

Ang mga walang mukha at totoong pagkakilanlan, walang karapatang marinig ang kanilang opinyon. Sa mga bashers na daig pa ang tuta na walang tunay na pangalan ay walang karapatan marinig ang kanilang depensa. Malinaw?!

Kaya sa mga Aldub fans na ngawa nang ngawa, tigilan na ang ilusyon dahil ang Aldub ay pang-showbiz lang, lalo pa’t ang dalawa, tatawid from free television to movies via “My Bebe Love: Kilig Pa More.”

Tingnan nga natin ang lakas ng AlDub Nation kung keri nilang suportahan ang pelikula nina Bosing Vic Sotto at Ai Ai delas Alas sa MMFF 2015?

Ang mga KimXi, LizQuen, at KathNiel, may mga napatunayan na. Sila kaya? Baka tama ang say ng kausap amin, most of AlDub fans ay shallow. Baka nga ang word na shallow, hindi pa alam ng mga hitad.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING