Maine Mendoza, ‘di raw sang-ayon sa pakikipagbati ni Alden Richards kay Cristy Fermin

ADVERTISING

Maine Mendoza, ‘di raw sang-ayon sa pakikipagbati ni Alden Richards kay Cristy Fermin

Alden Richards, Maine Mendoza and Cristy Fermin
Alden Richards, Maine Mendoza and Cristy Fermin

Bisperas ng kaarawan ng kaibigang Cristy “Tengol” Fermin last July 22 (her birthday falls the following day, July 23) at may isang mahalagang kaganapan sa buhay ng controversial TV-Radio host and entertainment columnist dahil dinalaw siya ni Alden Richards.

Nangyari ang lahat last Friday sa isang restaurant sa Tomas Morato sa Quezon City, kung saan sa meet-up nila ni Alden Richards, ready na rin si Cristy na humarap sa isa sa mga sikat nating male celebrities ngayon; na aminado naman si Tengol na pinipitik niya at maging ang ka-partner nitong si Maine Mendoza.

Fast forward. Oks na sina Cristy Fermin at Alden. Nagkaayos na. Chummy na sila. In short kung ano man ang naging problema nila at kung ano man ang differences at tunggalian ng paniniwala nilang dalawa ng celebrator at ng Bae ng Bayan, nauwi sa beso-beso at yakapan.

Now, here comes another tsismis and intriga na ang pakikipagtagpo at pakikipag-ayos diumano ni Alden ay kontra si Maine na umabot pa sa point na sinita ni “Yaya Dub” ang kapartner sa ginawa nito.

ADVERTISING

Kaya nga ang mga AlDub, galit daw ngayon sa binata dahil parang iniwan sa ere ng binata ang kapartner na until now ay walang plano na makipag-ayos kay Cristy at mag-reach-out.

Maging ang personal assistant ni Cristy na si Japs Jersin ay binibira ngayon ng ALDUB fans na hindi sang-ayon sa pakikipagbati ng kanilang idolo na nagtataka naman si Japs kung bakit pati siya ay isinasali sa kung ano man ang intensiyong hindi maganda ng fans nina Alden at Maine or directly ng mga solid Maine.

Payo namin kay Japs, huwag patulan ang mga ulol na mga faney. Dahil mas mababang uri sila kaysa sa atin, hayaan sila na parang mga zombies na walang ginagawang tama kundi mamuksa at magkalat na waley namang laman ang mga kukote at sumusunod lang sa ngaw-ngaw ng kanilang idol or leader.

Funny, ang fans na namba-bash, until now, wala pa ring legal identity (hindi mo alam ang tunay na mga pangalan at address), papaano mo sila papatulan? Para kang nakikipag-away sa mga buwang.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING