Maine Mendoza, ‘di naniniwalang iniwan na sila ng AlDub fans

ADVERTISING

Maine Mendoza, ‘di naniniwalang iniwan na sila ng AlDub fans

Maine Mendoza
Maine Mendoza

“Wow this is amazing! Galing, ADN!” Ito ang tweet Maine Mendoza bilang pasasalamat sa AlDub Nation sa suportang ginagawa ng mga ito sa kanila ng kanyang ka-love team na si Alden Richards.

Sobrang nata-touch daw si Maine sa sobra-sobrang effort ng kanilang loyal supporters sa kanilang mga proyekto, magkasama man sila o solo.

At kahit nga may mga lumalabas na bali-balitang iniwan na sila ni Alden ng kanilang AlDub Nation, hindi nila ito pinaniniwalaan ni Alden, dahil habang tumatagal ay mas lalo pang dumarami ang AlDub Nation at solid ang suporta ng mga ito sa kanila.

Thankful nga ito dahil umabot na sa 4 million ang kanyang followers sa Twitter as of August 21. Nag-trend nitong nakaraang Sunday ang hashtags na #Happy1Year1MillionADN at #MaineinLA.

ADVERTISING

 

Misters Of Filipinas
Misters Of Filipinas

Kandidato ng Misters of Filipinas 2016, ipinakilala na sa press

Outstanding ang mga kandidato ng Misters of Filipinas 2016 nang i-present ang mga ito sa media na ginanap sa One Canvas, Pasong Tamo, Makati City last August 28 sa pangunguna ng CEO/President of Misters of Filipinas na si Carlo Morris.

Dumalo rin ang ilan sa mga nagwagi na galing sa Misters of Filipinas like Mister International Neil Perez at ang kapapanalo pa lang na si Karan Singhdole na itinanghal na 2016 Man of The Year.

Magaganap ang Grand Finals ng Misters of Filipinas 2016 sa September 18, 7 p.m. at the Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila. Tickets available at ticketworld.com.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING