Maine Mendoza, ayaw pa ring bumigay kay Alden Richards

ADVERTISING

Maine Mendoza, ayaw pa ring  bumigay kay Alden Richards

Maine Mendoza & Alden Richards
Maine Mendoza & Alden Richards

Ewan ko kung ano pa ang drama ni Maine Mendoza sa kapareha niyang si Alden Richards.

Kahit pigain sila ng press sa grand presscon ng unang pelikula nilang dalawa ni Alden Richards na “Imagine You & Me” last Friday sa Novotel Manila sa Araneta Center, ayaw para ring bumigay ang baguhan sa kung ano ba talaga ang tunay niyang nararamdaman sa binata.

Pero heto’t ikaw ba naman na sabi mo’y “special friends” lang kayo ng binata at walang pag-amin sa “relasyon” ninyong dalawa, hanggang sa pagtulog mo ay mapananaginipan mo si Alden? Ano ang ibig sabihin nu’n? Ganu’n lang, walang saysay o koneksyon ‘yun sa tunay niyang nararamdaman na ayaw lang niyang ipabatid sa press at sa publiko.

Before the presscon, nakapuslit ako sa loob ng private room kung saan doon sila ini-interview ng ilang ma press na may exclusive interview sa kanila kasama si Direk Michael Tuviera. Ang napansin ko lang, panay baling ng ulo ni Maine Mendoza sa balikat ng binata.

ADVERTISING

Ewan ko kung ano ang ibig sabihin nito.

Ayaw mang umamin ni Maine, ako, knows ko na kung ano ang basa ko sa ikinikilos ng dalaga.

Ang unang pelikula nina Maine at Alden ay ipalalabas na sa darating na July 13 just in time sa first year anniversary ng love team nila sa July 16 na nagsimula sa isang segment na kalye serye sa “Eat… Bulaga!”.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING