Maine Mendoza at Alden Richards, sinugod ng libu-libong fans sa launching ng iniendorsong Bench products

Collage Photos of Maine Mendoza and Alden Richards
Collage Photos of Maine Mendoza and Alden Richards

Blockbuster kung maituturing ang naging launching ng Phenomenal Love Team nina Alden Richards at Maine Mendoza (AlDub) ng kani-kaniyang iniendorsong produkto sa Bench na ginanap last March 30 sa Activity Center ng Trinoma, dahil sa kapal ng taong dumagsa para mapanood sila.

Host sa nasabing event si Rico Robles .
Ang EDT and Body Spray by Maine Scents Collection (Maine Girl, Maine Love, Maine Forever, at A Dab Of Love) ang iniendorso ni Maine, samantalang ang FIX Bench Salon Professional Hair Styling Products  ang kay Alden.
Bago nagsimula ay nagkaroon ng mga games mula sa AlDub trivia game, Dubsmash, at balloon bursting contest na sinundan ng isang dance number with Maine and Alden. Nagbigay rin ng kanyang solo number si Maine at kumanta naman ng kanyang hit song na “God Gave Me You” si Alden.
Nagkaroon din ng games with Alden and Maine via ‘Pass The Message’. At bilang finale ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga tagahanga nina Alden Richards at Maine Mendoza na magpalitrato at magpa-authograph via meet and greet.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleVice Ganda, nag-birthday salubong kasama ang pamilya sa San Francisco
Next articleMaine Mendoza, itinulak ng isang female fan; AlDub fans, nagwala

No posts to display