Maine Mendoza at Alden Richards, ‘di nagpahuli sa Trumpets Challenge

ADVERTISING

Maine Mendoza at Alden Richards, ‘di nagpahuli sa Trumpets Challenge

Maine Mendoza & Alden Richards
Maine Mendoza & Alden Richards

Patok na patok sa mga Pinoy ang dance craze na Trumpets na inawit ng international singer at DJ na si Sak Noel. Ilan nga sa mga nakaaaliw at talaga namang nag-trending sa social Media ay ang mga version ng mga sikat na celebrities sa bansa.

ADVERTISING

Nanguna na rito si Jennylyn Mercado na patok na patok ang Trumpets Challenge. Habang nasa bakasyon sa Movenpick Hotel sa Cebu kinunan ang sariling Trumpets Challenge video ni Jen na may kasamang dalawang kaibigan.

Pasok din ang Trumpets Challenge nina Maine Mendoza at Ryzza Mae Dizon na kuha sa Broadway studio ng “Eat… Bulaga!”. Click na click ang pagkembot-kembot nina Maine at Ryza na parang batang maharot ang dance moves at facial expression.

‘Di rin naman nagpatalbog ang Pambansang Bae na si Alden Richards na guwapo at suwabe ang version ng Trumpets kasama ang Thats My Bae.

ADVERTISING

Hit din ang Trumpets ng UPGRADE, Sex Bomb Girls, atbp.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING