MAIBA LANG: Vice Ganda, nagpalamig sa Baguio with friends

ADVERTISING

MAIBA LANG: Vice Ganda, nagpalamig sa Baguio with friends

MAIBA LANG: Vice Ganda, nagpalamig sa Baguio with friends
Vice Ganda with Ben Cab

FOR A CHANGE at imbes gumimik on a weekend sa mga bars at clubs kung nandito lang siya sa Metro Manila, ang Unkabogable box-office Superstar na si Vice Ganda ay nag-out of town trip with friends nitong nakaraang Saturday.

After ng It’s Showtime last Saturday, biglaan nagyaya ito na umakyat ng Baguio para magpalamig at segue sila sa La Union for the Sun, Sea and Sand.

Hindi ko alam kung nag-surfing si VG sa La Union or kumuha ng crash course on surfing na siyang uso ngayon sa mga millennials.

Sa Baguio, mayroon pa nga photo-op si Vice with National Visual Artist Ben Cabrera or mas kilala bilang Bencab sa Bencab Museum na pag-aari nito na for a change ay nag-art tripping si VG.

ADVERTISING

Para sa mga milyones niyang mga followers and supporters na nagtatanong tungkol sa next project niya, ayon sa source namin, rest muna siya habang pinaplano pa ang susunod niyang pelikula after na tumabo sa takilya ang kanyang MMFF 2018  pelikulang The Revenger Squad together with Daniel Padilla and Pia Wurtzbach.

“Yong Vice Cosmetics niya, ratsada pa rin sa sales teh,” kuwento ng personal assistant ni VG na si Jan Bariuad.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING