Mahusay na character actress, ayaw nang gumawa ng movie

BLIND ITEM: Ayaw munang gumawa ng movies ng isang napakahusay na character actresss matapos siyang ma-disappoint sa nakaraang festival of movies kung saan ang napakaganda niyang movie ay hindi kumita.

Sobrang sad daw ng aktres, kaya nag-decide itong ‘wag na munang umarte at magko-concentrate na lamang muna siya bilang isang TV host, kung saan ang kanyang programa ay matagal na rin naman sa ere.

Katuwiran din nito, “Wala naman akong binubuhay. Ako lang naman ang mag-isa sa buhay, wala rin akong pamilya, so mas kailangan kong makakumpleto ng tulog kesa kubain ko ang sarili ko sa katatrabaho,” sabi nito sa isang friend.

Oh, well… Choice niya ‘yan. Ibigay na lang natin sa kanya. After all, wala namang kalumaan ang kanyang dating, in fairness.

By Ogie Diaz

Previous articleSablay Na Banat
Next articleVhong Navarro, ‘di makikipag-ayos sa grupo ni Cedric Lee

No posts to display