Mahusay na aktres, madalas laman ng blind item

ADVERTISING

BLIND ITEM: No star owns up to a blind item written about him, otherwise ay lalabas siyang katawa-tawa gayong hindi naman siya pinangalanan.

There are blind items, however, whose subject is unmistakably identifiable given certain obvious clues. Perhaps all writers plead guilty to this editorial practice, hence idadaan din namin sa BI ang tungkol sa isang mahusay na aktres na madalas tanggalan ng pangalan sa mga diyaryo.

ADVERTISING

Aktibo pa rin ang aktres sa showbiz, the problem is that she has to embark on a rigid weight loss program. Kahit maganda kasi ang kanyang mukha, nahihirapang tapyasin sa TV ang kanyang katabaan.

Siya rin ang aktres na bukod sa pag-aartista ay lumundag sa ibang larangan. In fairness, she excelled in that field, but she lost her latest bid.

Siya rin ang napapabalitang aktres who lost all her investments as showbiz projects are few and far between. Either naisanla o naibenta umano niya ang kanyang mga naipundar, from properties to jewelry even to branded bags.

ADVERTISING

Dahil obvious naman sa BI na ‘yun ang tinutukoy na aktres, umiral sa amin ang friendly concern para sa kanya. We sent her a common text message sa kanyang dalawang mobile phone, not because we wanted to inform her about the BI kundi para kumustahin lang siya.

Malapit kasi kami sa aktres na ito, we thought that our simple pangungumusta would somehow cheer her up. Kaso, wala kaming natanggap na sagot mula sa kanya.

 

By Ronnie Carrasco III

ADVERTISING